Chapter Test Reviewer (September)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Understanding Culture, Society & Politics

Norms (normal, nakasanayan)

- Something that is usual, typical or standard

Folkways

- Traditional behavior or way of life of a particular community or group of people ( dito wala kang
nalalabag na batas)

Morse

- A norm or rule that is guided by standards of morality.


- Are social norms that are widely observed within a particular society or culture.
- Morse determine what is considered morally acceptable or unacceptable with in any given
culture.

Laws

- Set of rules that are created and are enforceable by social or governmental institutions to
regulate behavior.

3ps of Culture

Practices—are patterns of social interactions, behaviors. Practices involve the use of products.
They represent the knowledge of “what to do when and where” and how to interact within
a particular culture.
Products—are the tangible or intangible creations of a particular culture. They reflect a culture’s
perspectives.
Perspectives—the philosophical perspectives, meanings, attitudes, values, beliefs, ideas that
underlie the cultural practices and products of a society. They represent a culture’s view of the
world

Ethnicity
- Ethnicity refers to the identification of a group based on a perceived cultural distinctiveness that
makes the group into a “people”. This distinctiveness is believed to be expressed in language,
music, values, art, style, literature, family, life, religion, ritual, food etc.

Ethnocentrism
- Ethnocentrism is the tendency to look at the world primarily from the perspective of one's own
culture. Part of ethnocentrism is the belief that one's own race, ethnic or cultural group is the
most important or that some or all aspects of its culture are superior to those of other groups.
Cultural Relativism
- Cultural relativism refers to not judging a culture to our own standards of what is right or wrong,
strange or normal. Instead, we should try to understand cultural practices of other groups in its
own cultural context
Pagsulat sa Pilipino

ARALIN 1:
BATAYANG KAALAMAN HINGGIL SA PAGSULAT
KATUTURAN, LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAGSULAT

ANO ANG PAGSULAT?


Pagsulat (sulat) o Liham o pagguhit na likha ng lapis, bolpen at iba pang pansulat (UP Diksyunaryong
Filipino, 2001)
PAGSULAT
- Ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao
gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. (Cecilia Austera et
al. (2009), may-akda ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2009)
- Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa
layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998)
- Ang pagsulat ay isang artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at nararamdaman na
ipinahahayag sa paraang pasulat, limbag at eletroniko (sa komyuter).
- Ayon kay Royo, na nasulat sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga, Jr. na Pagbasa, Pagsulat at
Pananaliksik (2001), malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog ng damdamin at isipan ng
tao. Sa pamamagitan nito, naipahahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin, pangarap, agam-
agam, bungang-isip at mga pagdaramdam. Dahil din sa pagsulat, nakikilala ng tao ang kanyang
sarili, ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng kanyang isipan, at ang mga
naaabot ng kanyang kamalayan.
- Ayon naman kay Edwin Mabilin et al. sa aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa
Akademikong Filipino (2012), ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa
pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng
paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. Sa pamamagitan
ng pagsusulat, maisatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin, paniniwala, at layunin ng tao sa
tulong ng mga salita, ayos ng pangungusap sa mga talata hanggang sa mabuo ang isang akda o
sulatin.
- Ayon naman kay Mabilin, sa kanyang aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong
Filipino (2012), ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi

ANO-ANO ANG KATUTURAN NG PAGSULAT?


1. KAHALAGAHANG PANGTERAPYUTIKA
2. KAHALAGAHANG PANGSOSYAL
3. KAHALAGAHANG PANG-EKOMIYA
4. KAHALAGAHANG PANGKASAYSAYAN
KAHALAGAHANG PANGTERAPYUTIKA
• Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para mailabas lamang ang nasa kalooban
may babasa man o wala. Gumagaan ang kanilang pakiramdam pagkatapos makapagsulat. Para bang
naibsan sila ng isang mabigat na dalahin.

KAHALAGAHANG PANGSOSYAL
• Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang katahimikan o mga bagay na siyang nagpapalayo sa
isang relasyon ngunit likas ng tao ang magkarelasyon. Kung nasasaktan ka at hindi mo masasabi nang
tuwiran ang iyong nadarama, isulat mo lang iyon. Madali ang ugnayan sa pamamagitan ng pagsulat. Ang
isang mamamayang sosyal ay sandatang panulat ang ginagamit para maipadama ang kanyang saloobin
tungkol sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.

KAHALAGAHANG PANG-EKOMIYA
• Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa madaling salita ito’y nagiging kanyang
hanapbuhay. Pangaraw-araw na gawain niya ang pagsusulat at ang paghahanap ng mga dapat isulat, lalo
na kapag may hinahabol na deadline

KAHALAGAHANG PANGKASAYSAYAN
• Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating kasaysayang pambansa at ang mga naisasatitik ay
nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na henerasyon.

ANO-ANO ANG ANYO NG PAGSULAT?

IBA’T IBANG URI NG PAGSULAT


PORMAL
DI-PORMAL
KUMBINASYON

PORMAL
• Ito ay mga sulating may malinaw na daloy at ugnayan ng pangunahing paksa at detalyadong
pagtalakay ng balangkas ng paksa.
DI-PORMAL
• Ito ay mga sulatin na malaya ang pagtalakay sa paksa, magaan ang pananalita, masaya at may
pagkapersonal na parang nakikipag-usap lamang sa mga mambabasa.
KUMBINASYON
• Malayo na rin ang narating ng malikhain at akademikong pagsulat sa bansa lalo na sa hanay ng mga
kabataang manunulat na nasasagawa ng ekperimento ng estilo, nilalaman at pormat ng sulat.

ANO-ANO ANG URI NG PAGSULAT BATAY SA LAYUNIN?


URI NG PAGSULAT BATAY SA LAYUNIN
PAGLALAHAD
PAGSASALAYSAY
PANGANGATWIRAN
Paglalahad
- Tinatawag din itong pagpapaliwanag na nakasentro sa pagbibigay- linaw
Pagsasalaysay
- Nakapokus ito sa kronolohikal o pagkakasunodsunod na daloy ng pangyayari aktuwal
Pangangatwiran
- Ipinapahayag dito ang katwiran, opinion o argumentong

Gamit at Uri ng Pagsulat


Mga dapat tandaan sa pagsulat ng akademikong sulatin

WIKA
- Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan,
impormasyon, at iba pang nais ipabatid ng taong nais sumulat.
PAKSA
- Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang magandang simula
dahil dito iikot ang buong sulatin.
LAYUNIN
- Ang layunin ang magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.

PAMAMARAAN NG PAGSULAT
May limang paraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa
layunin o pakay sa pagsusulat.

Paraang Impormatibo
- Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga
mambabasa.
Paraang Ekspresibo
- Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon,
at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral.
Pamaraang Naratibo
- Ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa
magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.
Pamaraang Deskriptibo
- Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o
pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan. Ito’y
maaaring obhetibo at subhetibo.
Pamaraang Argumentatibo
- Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng
mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan
KASANAYANG PAMPAG-IISIP - Taglay ng manunulat ang kakayahang maganalisa upang masuri ang mga
datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat
KAALAMAN SA WASTONG PAMAMARAAN NG PAGSULAT- Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang
pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki at
maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong
paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin.

Uri ng Pagsulat
TEKNIKAL NA PAGSULAT
- Layunin nitong pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman bumuo ng isang pag-aaral na
kailangang para lutasin ang isang problema o suliranin sa isang tiyak na disiplina o larangan.
REPERENSYAL NA PAGSULAT
- Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman at mairekomenda
sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa isang
tiyak na paksa.
DYORNALISTIK NA PAG SULAT
- May kinalaman ito sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag. Ito ay isinusulat ng mga
mamamahayag, journalist, reporter at iba pang bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo,
at makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan
AKADEMIKONG PAGSULAT
- Ayon kay Carmelita Alejo et.al. Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng isang
ginawang pananaliksik.
MALIKHAING PAGSULAT
- Layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin at makaantig sa imahinasyon at
isipan ng mga mambabasa.
PROPESYONAL NA PAGSULAT
- Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Sulatin
ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.

Aralin 3: Ang Akademikong Pagsulat

Ang Akademikong Sulatin Ang salitang Akademiya ay mula sa salitang Pranses na academie, sa Latin
academia, at sa Griyego na academeia. Ito ay isang institusyon ng kinikilala at respetadong mga iskolar,
artista, at siyentista na ang layunin ay isulong, paunlarin, palalimin, at palawakin ang kaalaman at
kasanayang pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng partikular na larangan. Isa
itong komunidad ng mga iskolar.

Malikhain at Mapanuring Pag-iisip Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan,
pagpapahalaga at talino upang epektibong harapin ang mga sitwasyon at hamon sa buhay-akademiko at
maging sa gawaing di-akademiko.

Akademiko vs Di-Akademiko
- Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo (Pranses: Academique;
Medieval Latin: Academicus noong gitnang bahagi ng ika-16 na siglo.
- Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarship, institusyon, o larangan ng pag-aaral
na nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat, at pag-aaral kaiba sa praktikal o teknikal na Gawain
- Tinatawag na mga larangang akademik, akademiko, akademiks, o akademikong disiplina ang
mga kurso sa kolehiyo. Ang mga ito ang pagpipilian ng mga mag-aaral kapag dinesisyunan na
magpatuloy sa kolehiyo.
- Tinatawag na mga larangang akademik, akademiko, akademiks, o akademikong disiplina ang
mga kurso sa kolehiyo. Ang mga ito ang pagpipilian ng mga mag-aaral kapag dinesisyunan na
magpatuloy sa kolehiyo.
- Ginagabayan ito ng etika, pagpapahalaga, katotohanan, ebidensya, at balanseng pagsusuri. Sa
kabilang dako, ang mga di-akademikong gawain ay ginagabayan ng karanasan, kasanayan, at
common sense.
-

Mga halimbawa ng akademikong gawain:


 pagbasa ng ginagamit na teksto sa klase
 pakikinig ng lektyur
 panonood ng video o dokumentaryo
 pagsasalita at pakikipagdiskurso sa loob ng
 klase o isang simposyum
 pagsulat ng sulatin sa mga akdang
 pampanitikan
 posisyong -papel
 panukalang proyekto
 case studies
 pagsulat ng artikulo
 lakbay-sanaysay
 larawang-sanaysay
 talumpati
 pagbubuod
 memorandum
 adyenda at katitikan ng pulong
Mga halimbawa ng di-akademikong gawain:
 panonood ng pelikula o video
 pakikipag-usap sa sinoman
 pagsulat sa isang kaibigan
 pakikinig sa radyo
 pagbasa ng komiks, magasin o
 diyaryo
Pinahahalagahan at pinatutunayan ang katangiang ito sa teoryang pangkomunikasyon ni Cummins
(1979) kung saan pinag-iba niya ang kasanayang di-akademiko (ordinaryo, pang-araw-araw) sa
kasanayang akademiko (pang-eskwelahan, panginstitusyon).

Tinawag niyang Basic Interpersonal Communication Skills (BICS) ang una at Cognitive Academic
Language Profeciency (CALP) naman ang huli. Batay sa mga usapan, praktikal, personal at impormal na
mga gawain ang BICS samantalang pormal at intelektwal ang CALP

Ang Paggamit ng Akademikong Filipino sa Paggawa ng Akademikong Pagsulat ay madalas iniuugnay ang
akademikong pagsulat sa akademiya. Ito ay tumutukoy sa institusyong pang-edukasyon na maituturing
na haligi sa pagkamit ng mataas na kasanayan at karunungan.

Ang mga elementong ito ay binubuo ng mga guro, mag-aaral, administrador, gusali, kurikulum at iba pa.
Hindi magaganap ang anumang adhikain ng isang akademiya kung wala ang wika. Sa pag-aaral ng
kursong ito, ang Akademikong Filipino ang gagamitin sa akademiya.

Sa paggamit nito, malinaw sa isip ng gumagamit nito, ito man ay sa paraang pasalita o pasulat ang
kahalagahan sa pagsunod sa mga alituntunin sa paggamit ng wikang Filipino upang ito’y maging
istandard at magamit bilang wika ng intelektwalisasyon.

Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal


(Arrogante et al. 2007).

Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang husay ng manunulat dahil may kakayahan siyang mangalap ng
mahahalagang datos, mag-organisa ng mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay magsuri, marunong
magpahalaga sa orihinalidad ng gawa, at may inobasyon at kakayahang gumawa ng sintesis.

Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas


mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin.

Ang karaniwang estruktura ng isang akademikong sulatin ay may simula na karaniwang nilalaman ng
introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag, at wakas na nilalaman ng resolusyon, kongklusyon,
at rekomendasyon.
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat:
1. Obhetibo
2. Pormal
3.Maliwanag at Organisado
4.May Paninindigan
5.May Pananagutan

Iba’t ibang uri ng akademikong sulatin:

1. Abstrak
2. Sintesis/Buod
3. Bionot
4. Panukalang Proyekto
5. Katitikan ng Pulong
6. Posisyong Papel
7. Replektibong Sanaysay
8. Pictorial Essay
9. Talumpati
10. Agenda/Memorandum
11. Lakbay Sanaysay
MIL

You might also like