Lit1 Reviewer
Lit1 Reviewer
Lit1 Reviewer
Objectives
1. Pursue academic excellence through continuing search for the application of truth,
and knowledge and wisdom via traditional and alternative modes of
instructional delivery.
2. Promote moral and spiritual development through an integrated educational
process that will enhance human character and dignity;
3. Develop cultural, economic and socio-civic conscience through an educational
content relevant to national development needs, conditions and aspirations;
4. Strengthen involvement in community services through varied economic and
environmental projects;
5. Attain institutional self-reliance through responsive programs for staff, facilities
and systems development;
6. Ensure financial viability and profitability
7. Adopt internationalization to meet the shifting demands in the national,
regional and global labor environment; and
8. Increase the University's productivity and innovation in research, scholarship
and creative activities that impact economic and societal development
● Ang panitikan ay isang salamin, isang larawan, isang repleksiyon o
representasyon ng buhay/karanasan/lipunan/kasaysayan
● Ito ay isang likhang-isip na ginagamitan ng mga salita o mga talinhaga
upang ipamalas ang aliw-iw at galaw ng buhay.
● Ito ay isang kathang nilikha upang mapagkunan ng aral o leksiyon na
mapagbubunga ng mambabasa o nakikinig sa sariling buhay.
● Ang panitikan ay tagapagpalaganap ng ng mga ideyal na kaisipan, mga
adhika at simulain, bukod sa pagiging instrumento sa pagbuo ng
karakter ng tao.
Iba pang kahulugan:
● Ang panitikan ay buhay dahil ito ay repleksyon ng pamumuhay at
pakikipamuhay ng mga tao sa kanyang ginagalawang lipunan.
● Ang panitikan ay isang mabisang instrumento upang mapagbago ang
damdamin at isipan ng tao, at mapakilos siya ayon sa idinidikta ng
kanyang puso at isip.
● Hindi lamang lumilinang ng nasyonalismo ang panitikan, binubuhay at
pinasisigla rin nito ang damdaming pagpapahalaga sa minanang
kultura na binuo ng mga henyo ng ating lahi.
● Ayon kay Zeus Salazar “ ang panitikan gaya ng wika ay hindi lamang
lundayan at tagapagpahalaga ng ating kultura kundi ito ay
kuhanan-impukan ng alinmang kultura.” Nilalaman at iniingatan nito ang
sining, karanasan, tradisyon, at mga mithiin ng bawat bansa.
Panunuring Pampanitikan
- Mula sa Introduksyon ni Rosario Torres –Yu, sa kanyang aklat na Kilates hinggil sa
panunuring pampanitikan, kinikilates ng Pilipino ang isang bagay para alamin o di kaya
ay tiyakin kung magugustuhan niya ito o di kaya ay tatanggaping mahalaga at may
kabuluhan.
- Sa kulturang Pilipino inaalam muna kung ano ang isang bagay bago masabi kung ano ang
iniisip o di kaya ay niloloob tungkol dito.
- Sa pag-alam, tinitingnan itong mabuti o sinisipat para makitang mabuti ang hindi
agad nakikita sa unang tingin.
- Binabasa upang kilatisin sa klasrum ang isang tula, maikling kwento, nobela, dula at iba
pang anyo ng panitikan at teksto. Kinikilates ang akda upang makabuo ng kahulugan at
pagpapahalaga kaugnay nito.
- Ang pagbabasa na may layuning kilatisin ang isang akda ay pumapasok sa gawain ng
kritisismo. Isa itong gawain o praktika na bahagi ng pampanitikang pag-aaral. Isa itong
espesyalisadong larangan sa loob nito. May kaugnayan ang kritisismo sa kabuuang
produksyon ng panitikan, katunayan ay itinuturing na may mahalagang silbi dito.
Ngayo'y Araw ni Balagtas. May mga palatuntunan. May ilang pagdiriwang. May
pangkat na dadayo sa pangingay, Bigaa, Bulakan at mag-aalay ng mga bulaklak at papuri
sa Bantayog doon ni Balagtas. May ilang paalala sa ilang tanggapan at paaralan tungkol sa
wika, tungol sa pagpapahalaga sa wikang Filipino "Tagalog" . Naka-barongs [mabilis ang
bigkas] ang mga gurong lalaki at ang ilang pinunong namamahalan sa halaga ng ternong
amerikana’t pantalon bukod pa sa lubhang naiinitan (Abril ngayon), barongs na yari sa
telang galing sa Hongkong. At tapos na ang Araw ni Balagtas. Maikakahon na’t maitatago
nang mahigpit upang ilabas na muli sa isang taon. Ang mga baro’t saya, at barongs, pati na
wika.
Bakit Barongs ang tawag namin ang itinatanong mo kabataan? hindi bayan ang
dating itinaguriang Barong-Tagalog? Oo. Ngunit dumami na ng dumami ang allergic,
pinamamantalan ang punong taynga sa salitang Tagalog. Gaya nanga ng wikang Tagalog,
hindi Wikang Filipino. Kaya, inalis na ang salitang Tagalog sa salitang Barong-Tagalog.
Ginawang Barong na lamang, ngunit sapagkat sa Ingles, Kapag marami'y dinaragdagan ng
titik "s", Kaya't ang Barong ay nagiging Barongs. Bakit bumilis ang bigkas? A, iyan ay
sapagkat ang Pasay man ay naging Pasay (mabilis) na at ang Davao ay naging Davao
(mabilis) na. Kaya bakit ang Barongs ay hindi magiging barongs (mabilis)? Paano nga pala
ninyo malalaman, Kabataan ng 2070 na sa aming panahon ngayon, ang makabago't
sibilisadong Pilipino (tao ito, hindi wika), ay sadyang may iba nang paraan ng pagsasalita,
kahit ng sariling wika, kaysa mga kababayan nilang kinagigiliwang tawaging Bakya Crowd?
Kaya ang tinatawag na Bakya Crowd na Magsaysay ay binibigkas ng sibilisadong Pilipino na
magsighsigh; ang korehidor ay Koregidor; ang Romulo ay Romyulow; ang Pedro ay Pedrow;
ang Mang Teban ay Meng Teyven.. At ako nga pala, minsan, ay "naparangalan" ng isang
makabagong dalagang panauhin na may hawak na kapirasong papel na kinatatalaan ng
pangalan ko, at nagtanong sa akin, "Are you, Mrs... Mrs... Jhey-niw-ve-ib Mechu-chey?"
Nagtataka ka, kabataan ng 2070?Bakit, Ang tanong mo? Bakit ganoon, ang tanong
mo? Talagang ganito. Sapagkat "Status Symbol" ngayon ang makapag salita ng ingles na
parang tunay na Amerikano. Wa-Klas (walang Class) ang pagsasalitang Tagalog o Pilipino o
Wikang Pambansa. Iyan ay para sa mga utusan lamang. Yan ang lumitaw sa isang
pag-aaral daw ng isang iskolar na may isang ekspertong Amerikano bilang tagapayo: iyan
daw ang sinabi ng isang Miss Universe na Pilipina. Ni hindi para sa mga utusan sa mga
aksesorya, kabataan. Hindi. Sapagkat sa mga aksesoryang katabi ng aming bahay,
pagkapanganak sa bata'y iniingles na, kaya't pati utusan ay umiingles na rin, kahit pa ganito,
"yu et na, Rechard... ha. Ay wil palo na yu, sige." Kaya ang wika nga, segun sa utusan ang
gagamit ng Filipino.
Ngunit bakit, ang ipinipilit mong itanong, kabataan? Bakit kayo nagkaganoon sa
inyong panahon sapagkat kami'y lutong-luto, ang wika nga, lutong-luto sa wika, kaya sa
kaisipan man at sa pag-uugali ay banyaga. Kung ano ang pinakakain ay siyang ididighay,
hindi ba? Ilang pong taong wikang banyaga ang pinakain sa amin, pagkain kasangkap.
Mangyari pa nga ba ang kaisipan, kalinangan, ugali, pamumuhay ng bansang sumakop.
Ngunit ngayo'y 1970 na, ang pakli mo, kabataan. Wala na ang banyangang sumakop,
matagal na silang wala, dalawampu't limang taon na kayong taon na malaya riyan bakit
ganyan parin ang mga pag-iisip ninyo, pag-aasal ninyo? A, Hindi mo nga pala alam,
kabataan ng 2070. Maniniwala kabang dalawamput limang taon na kaming malaya ngunit
hanggang ngayon ay Ingles parin ang wikang panturo sa aming mga paaralan? Naunahan
na kami ng malayung-malayo ng mga kapit bansa natin, ng Indonesia at Malaysia na higit na
nahuling lumaya. Katakot-takot na mga pagsubok ang ginawa sa paaralan kung dapat na
ngang gamitin ang wikang pambansa.
Refrain:
Bata, bata, ano ang pangarap mo?
Paglaki mo kaya ika’y maging ano?
Naglipana sa kalye, mga musmos na tulad mo
May gatas pa sa labi, nasadlak na sa impiyerno.
- lit 1 modyul 2