Lit1 Reviewer

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

LIT1 REVIEWER

LIT1 REVIEWER

Philosophy
The University of Batangas, a stock non-sectarian, private educational institution, believes in the
pursuit of knowledge, values and skills necessary for the preservation and improvement of the
Philippine society. It has faith in the dignity of the human person, in the democratic process, in the
reward for individual excellence, and in the freedom of a person to worship God according to his
conscience. Thus, the institution believes that the development of the individual as a person and
worker is an effective means in building a better family, community and nation, and a better world.
Vision
We envision the University of Batangas to be a center of excellence committed to serve the
broader community through quality education.
Mission
The University of Batangas provides quality education by promoting personal and professional
growth and enabling the person to participate in a global, technology and research-driven
environment.
Goals
1. To partner communities where literacy, livelihood, and technology transfer projects can
be implemented with the direct and indirect involvement of the UB family
2. To support medical and dental missions to indigent barangays in coordination and
cooperation with services and welfare organizations.
3. To provide staff assistance, lecturers and training on Social, Cultural and Sports
components such as anti-drug abuse education, peace and order, theater arts, health and
safety, labor laws, cooperative, leadership, culture and sports, etc.
4. To develop and strengthen the human and spiritual aspects of a person or individual
through enhancement programs like group dynamics, recollections, retreats, etc.
5. To support environmental awareness and management programs and other community
development projects.
Objectives
1. Pursue academic excellence through continuing search for the application of truth, and
knowledge and wisdom via traditional and alternative modes of instructional delivery.
2. Promote
Edit withmoral and spiritual
the Docs app development through an integrated educational process that
will enhance human character and dignity;
Make tweaks,
3. Develop leave economic
cultural, comments, and
andshare with
socio-civic conscience through an educational content
others to edit at the same time.
relevant to national development needs, conditions and aspirations;
4. Strengthen involvement in community services through varied economic and
environmental projects;
NO THANKS GET THE APP
5. Attain institutional self-reliance through responsive programs for staff, facilities and
systems development;
6. Ensure financial viability and profitability
7. Adopt internationalization to meet the shifting demands in the national, regional and
global labor environment; and
8. Increase the University's productivity and innovation in research, scholarship and
creative activities that impact economic and societal development.

Aralin 2
Mayaman ang Pilipinas sa iba’t ibang uri ng panitikan – mula sa mga unang akdang pasalita
hanggang sa mga kathang nakasulat. Nariyan ang mag bugtong at sawikain, ang relihiyosong
hanggang sa mga kathang nakasulat. Nariyan ang mag bugtong at sawikain, ang relihiyosong
mga tula, ang pasyon, ang makukulay na awit at korido, ang mga akdang rebolusyonaryo sa
huling mga dekada ng ika-19 na dantaon, ang mga nobela at maikling kwento, ang iba’t ibang uri
ng dula, sanaysay, at ilan pang mga anyong pampanitikan. Bagamat ang sistematikong pagkalap
ng mga akda at ang pagsasaaklat ng mga ito ay nagaganap pa rin sa kasalukuyan, marami nang
pagtatangka na magbigay ng pagsusuri sa naturang mga akda na tinaguriang panitikan. Sa mga
aklat na ginamit sa kolehiyo at unibersidad sa pagtuturo ng katutubong panitikan, maraming
sagot na ibinigay sa mga sumusunod na mahahalagang katanungan: Ano ang panitikan? Ano
ang kaugnayan nito sa buhay? Ano-anong mga elemento ang bumubuo rito? Kabilang sa mga
kinagawiang sagot ang mga sumusunod na pormulasyon:
● Ang panitikan ay isang salamin, isang larawan, isang repleksiyon o representasyon ng
buhay/karanasan/lipunan/kasaysayan
● Ito ay isang likhang-isip na ginagamitan ng mga salita o mga talinhaga upang ipamalas
ang aliw-iw at galaw ng buhay.
● Ito ay isang kathang nilikha upang mapagkunan ng aral o leksiyon na mapagbubunga ng
mambabasa o nakikinig sa sariling buhay.
● Ang panitikan ay tagapagpalaganap ng ng mga ideyal na kaisipan, mga adhika at
simulain, bukod sa pagiging instrumento sa pagbuo ng karakter ng tao.
Iba pang kahulugan:
● Ang panitikan ay buhay dahil ito ay repleksyon ng pamumuhay at pakikipamuhay ng
mga tao sa kanyang ginagalawang lipunan.
● Ang panitikan ay isang mabisang instrumento upang mapagbago ang damdamin at
isipan ng tao, at mapakilos siya ayon sa idinidikta ng kanyang puso at isip.
● Hindi lamang lumilinang ng nasyonalismo ang panitikan, binubuhay at pinasisigla rin
nito ang damdaming pagpapahalaga sa minanang kultura na binuo ng mga henyo ng
ating lahi.
● Ayon kay Zeus Salazar “ ang panitikan gaya ng wika ay hindi lamang lundayan at
tagapagpahalaga ng ating kultura kundi ito ay kuhanan-impukan ng alinmang kultura.”
Nilalaman at iniingatan nito ang sining, karanasan, tradisyon, at mga mithiin ng bawat
bansa.

Ano ang SOSLIT?


Ang SOSLIT ay isang kurso sa pag-aaral at paglikha ng panitikang Filipino na nakatuon sa
kabuluhang panlipunan ng mga tekstong literari sa iba’t ibang bahagi ng kasaysayan ng bansang
Pilipinas. Sinasaklaw nito ang mga isyung panlipunan na tinalakay ng mga akdang Filipino tulad
ng kahirapan, malawak na agwat ng mayayaman at mahirap, reporma sa lupa, globalisasyon,
pagsasamantala sa mga manggagawa, karapatang pantao, isyung pangkasarian, sitwasyon ng
mga pangkat minorya at/o marhinalisado, at iba pa.

Anyo at Uri ng Panitikan


Ang salitang panitikan ay nagmula sa panlaping PANG-na nagiging PAN-kapag inuunlapi sa
salitang-ugat na nagsisimula sa D, L, R, S, at T. Sa salitang-ugat na TITIK, na nakakaltasan ng T
at nagiging [-ITIK] kapag nauunlapian. At sa hulpaping –AN na ang ibig sabihin ay proseso o
paraan. Samakatuwid, PANG+TITIK = PAN+TITIK = PANITIK+AN = PANITIKAN. Ang panitikan
ay nahahati sa dalawang anyo.
1. TULUYAN o PROSA. Ito ay ang mga akdang nasusulat sa karaniwang takbo ng
pangungusap. Ito ay binubuo ng mga pangungusap at mga talatang may iisang diwa.
2. PATULA o PANULAAN. Ito ay ang mga akdang nasusulat sa di-karaniwang takbo ng
pangungusap. Ito ay may sukat at tugma at nabubuo sa pamamagitan ng mga taludtod na
nabubuo sa isang saknong.

Mga Genre o Uri ng Panitikan


Ang dalawang anyo ng panitikan na nabanggit sa itaas ay binubuo ng mga uri ng panitikan. Ang
Ang dalawang anyo ng panitikan na nabanggit sa itaas ay binubuo ng mga uri ng panitikan. Ang
tiyak na uri ng panitikan ay tinatawag na GENRE. Bawat genre ay naglalahad at nagsasalaysay
ng iba’t ibang layunin at pumapaksa sa maraming uri ng bagay o pilosopiya.
- Mga Akdang Tuluyan
1. Alamat - pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig
2. Anekdota - tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng
isang kilala, sikat o tanyag na tao
3. Nobela o kathambuhay - isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang
kabanata
4. Pabula - mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga
tauhan
5. Parabula - maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit
nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang
isang moral o relihiyosong aral
6. Maikling Kwento - isang maikling salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang
7. Dula - nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang
mga tagpo sa isang tanghalan o entablado
8. Sanaysay – isang maikling komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-
kuro ng may-akda.
9. Talambuhay - nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na
tala, pangyayari o impormasyon
10. Talumpati - isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsalita sa entablado
11. Kuwentong-bayan - karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook
o rehiyon ng isang bansa o lupain
12. Balita - mga iba’t-ibang makatotohanang pangyayari na nagaganap sa isang lugar o
bansa.
- Mga Akdang Patula
1. Mga Tulang Pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari
sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
2. Awit at Korido - Naglalaman ang isang awitin ng bahaging pang-tinig na ginagampanan,
inaawit at pangkalahatang tinatanghal ang mga salita (liriko), karaniwang sinusundan ng
mga intrumentong pang-musika. Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino, isang uri
ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong
pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong. Ang korido ay binibigkas sa
pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula.
3. Epiko - uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng
isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga
tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
4. Ballad - ang ballad ay isang uri o tema ng isang tugtugin.
5. Sawikain – idyoma, moto, salawikain
6. Bugtong - pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o
nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan
7. Kantahin - (katulad din ng awit) mga awitin na matatagpuan sa iba’t ibang panig ng lugar
sa bansa
8. Tanaga - isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak
na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan

Panunuring Pampanitikan
Pag-alam. Pagtantiya. Pagtimbang. Pagbusisi. Pagsipat. Mula sa Introduksyon ni Rosario Torres
–Yu, sa kanyang aklat na Kilates hinggil sa panunuring pampanitikan, kinikilates ng Pilipino ang
isang bagay para alamin o di kaya ay tiyakin kung magugustuhan niya ito o di kaya ay
tatanggaping mahalaga at may kabuluhan. Sa kulturang Pilipino inaalam muna kung ano ang
tatanggaping mahalaga at may kabuluhan. Sa kulturang Pilipino inaalam muna kung ano ang
isang bagay bago masabi kung ano ang iniisip o di kaya ay niloloob tungkol dito. Sa pag-alam,
tinitingnan itong mabuti o sinisipat para makitang mabuti ang hindi agad nakikita sa unang tingin.
Ganito rin sa panitikan. Binabasa upang kilatisin sa klasrum ang isang tula, maikling kwento,
nobela, dula at iba pang anyo ng panitikan at teksto. Kinikilates ang akda upang makabuo ng
kahulugan at pagpapahalaga kaugnay nito. Ang pagbabasa na may layuning kilatisin ang isang
akda ay pumapasok sa gawain ng kristisismo. Isa itong gawain o praktika na bahagi ng
pampanitikang pag-aaral. Isa itong espesyalisadong larangan sa loob nito. May kaugnayan ang
kristisismo sa kabuuuang produksyon ng panitikan, katunayan ay itinuturing na may mahalagang
silbi dito.

Katangian ng Mabuting Kritiko


Ang mga sumusunod ang mga katangian ng isang mabuting kritiko:
● Matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang isang
sining
● Handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi manunuri
ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya
● Laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan
● Iginagalang ang desisyon ng ibang kritiko na patuloy na sumasandig sa ibang disiplina
gaya ng linggwistika, kasaysayan at sikolohiya, atbp.
● Matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang isang
sining
● Matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan ng pagbuo
o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.
● Ayon kay AGA, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming naninindigan upang
maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang pagmamalasakit
Aralin 3
Si Genoveva Edroza-Matute (He·no·bé·ba Ed·ró·za Ma·tú·te) ay isang kilaláng kuwentista,
mananaysay, at guro sa Filipino. Isinilang siya sa Maynila noong 3 Enero 1915 kina Anastacio
Edroza at Maria Magdalena Dizon. Naging asa- wa si Epifanio Gar. Matute, ang lumikha ng sikat
na programa sa radyo at serye sa telebisyon na Kuwentong Kutsero noong dekada 50. Nag-aral
siyá sa Manila North High School (ngayon ay Arellano High School), Philippine Normal School
(PNS), Philippine Normal College (PNC na Philippine Normal University ngayon), at University of
Santo Tomas. Nagturo siyá nang 46 taon sa mga eskuwelahang Cecilio Apostol Elementary
School at Arellano High School, at naging tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino sa PNC. Ang
ilan sa mga kinatha niyang maikling kuwento ay “Leave-taking” at “Land of the Bitter” na
nailathala sa Manila Post Sunday Magazine at sa Manila Post Monthly. Ngunit higit siyáng
kinagiliwan sa kaniyang mga kuwen- tong nagsusuri sa sikolohiya ng batà at hinggil sa
karanasan ng guro, gaya ng “Walong Taong Gulang,” “Noche Buena,” “Kuwento ni Mabuti,” at
“Paglalayag sa Puso ng Isang Bata.” Nailathala ang kaniyang antolohiya ng maiikling kuwento at
sanaysay sa Ako’y Isang Tinig noong 1952; ang ilan pang sumunod na koleksiyon ay nasa Piling
Mga Maiikling Kuwento 1939–1992, Sa Anino ng EDSA at Iba Pang Mga Kuwento, at Tinig ng
Damdamin. Nakapaglathala din siyá kasama ng kaniyang asawa sa Mga Pagpapahalagang
Pilipino sa Mga Akda: Mga Kuwento, Mga Sanaysay, Mga Dula noong 1992. Kinilala ang husay
ng kaniyang pagsusulat at dedikasyon sa pagtuturo ng mga timpalak ng Don Carlos Palanca
Memorial Awards 1950s–1960s; Outstanding PNS-PNC Alumna Award noong 1966; Patnubay
ng Sining at Kalinangan Award ng Maynila noong 1967; Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas
ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas noong 1988; at Gawad CCP Para sa Sining noong
1992.

Panitikan Hinggil sa Kahirapan


Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan,
hangarin at diwa ng mga tao at ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng
hangarin at diwa ng mga tao at ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng
tuwiran o tuluyan at patula.
Ang kahirapan ay ang kadalasan nating tinutugunan ng pansin, dahil ito ang isa sa mga
sitwasyon na kinakaharap ng ating bayan kung saan maraming naaapektuhan lalo na ang mga
kabataan. Ang kahirapan ay isang kalagayan kung saan hindi nakakamtan ng nakakaranas nito
ang mga pangunahing pangangailangan sa pang araw-araw. Ang mga taong nakakaranas ng
kahirapan ay paminsan umaasa na lamang sa gobyerno dahil sila ay nawawalan na ng pag-asa
at inaasahan nila na magagawan ng solusyon ang kanilang kinalalagyan, ngunit ang inaasahan
nilang tulong ay paminsan nagiging sanhi ng korupsyon. At ang iba naman ay hinahayaan na
lang na kainin sila ng kahirapan. Ano nga ba ang permanenteng solusyon para dito? May
solusyon nga ba talaga? Ang isang tao mahirap man o mayaman ay may karapatang
makatanggap ng payak na pangangailangan katulad ng pangangalagang pangkalusugan, malinis
na tubig, sapat na pagkain sa pang-araw-araw, at malinis na kapaligiran. Ngunit bakit hindi sila
nakakatanggap nito kung ito ay isang karapatang panlahat?

Anyo ng Kahirapan
Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga o ng
mga pag-aaring materyal o salapi. Ang absolute na kahirapan ang kalagayan o katayuan ng
hindi pagkakaroon ng paraan o pamamaraan upang makayanan o makapagdulot magkaroon ng
payak o basikong mga pangangailangang pantao, katulad ng malinis na tubig o naiinom na tubig,
nutrisyon, pangangalagang pangkalusugan, kasuotan, at tirahan. Ang relatibong kahirapan ay
ang kalagayan ng pagkakaroon ng mas kakaunting mga mapagkukunan o mas kakaunting kitang
salapi kaysa ibang mga tao sa loob ng isang lipunan o bansa, o kapag inihambing sa mga
karaniwang bilang sa buong mundo. Ang suplay ng mga pagkain na pangangailangan ay
maaaring malimitahan ng mga limitasyon sa mga serbisyo ng pamahalaan gaya ng korupsiyon,
ilegal na paglisan ng kapital, mga kondisyonalidad sa utang at sa pagkaubos ng utak/kaalaman
ng mga propesyonal na pang-edukasyon at pangkalusugan.

Paano nasusukat ang Kahirapan?


Ayon sa United Nations (UN) nasusukat ang kahirapan bilang absolute o relative. Ang absolute
na kahirapan ay sumusukat sa kahirapan kaugnay ng dami ng pera o halagang kakailanganin
para matugunan ang mga batayang pangangailangan tulad ng pagkain, pabahay at pananamit o
basic needs. Ang relative na kahirapan naman ay nagbibigay kahulugan sa kahirapan batay sa
ugnayan nito sa ekonomikong kalagayan ng mga mamamayan sa isang lipunan. Halimbawa,
maaaring ituring na mahirap ang isang tao kung ang kanyang estado ng pamumuhay ay mas
mababa kaysa sa itinakdang karaniwang antas ng pamumuhay sa isang lugar (Habitat, 2019,
Bernales, 2020). Mula sa tala ng multi-dimentional poverty index (MPI) may apat na dimensiyon
ang sinusuri upang tukuyin ang kahirapan sa Pilipinas: 1)edukasyon, 2) kalusugan at nutrisyon,
3) pabahay, tubig at sanitasyon, at 4) trabaho.

Sanhi ng Kahirapan
- KAKULANGAN SA EDUKASYON
Isa sa pinakamalaking problema ng mga taong nakakaranas ng kahirapan ay ang kakulangan sa
edukasyon. Dahil sa kahirapan, hindi sila nakakatanggap na sapat na kaalaman upang
matulungan ang kanilang pamilya. Edukasyon ay importante dahil ito ay ang tanging yaman na
hindi kailanman mananakaw. Ito ang nakakapag-hulma sa ating kaisipan at kakayahang maging
matagumpay sa buhay. Ang kawalan ng edukasyon ay nakakapagdulot ng kamangmangan sa
mga kabataan. Kadalasan nating sinasabi na ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan. Ngunit
ano ang mangyayari sa ating kinabukasan kung ang kabataan sa mga hirap na bayan ay tila
hindi nakapag-tatapos? Dahil dito, ang karamihan sa kanila ay napipilitang mag hanap ng
trabaho kung saan ang sahod ay mababa lamang.
- KAWALAN NG TRABAHO
Ito ang nagdudulot sa kahirapan. Ukol sa ating ekonomiya at sa overpopulation, hindi na sapat
ang bilang ng trabaho sa dami ng mga nagtatapos. Dahil dito wala silang pagkakakitaan upang
ang bilang ng trabaho sa dami ng mga nagtatapos. Dahil dito wala silang pagkakakitaan upang
masuportahan ang kanilang mga pamilya sa pang araw-araw na pangagailangan.

Epekto sa Kabataan
Maraming epekto ang idinudulot ng kahirapan sa kabataan, ngunit ang mga kadalasang epekto
nito ay ang:
- MAAGANG PAGBUBUNTIS
Karamihan sa mga kabataan ngayon ay nakakaranas ng maagang pagbubuntis dahil hindi sila
nabibigyan ng sapat na impormasyon ukol sa pagbubuo ng pamilya at kung ano ang mga
responsibilidad at kahihinatnan nito. Ito rin ay isa sa mga pinagmumulan ng pagtaas ng
populasyon sa bansa dahil mas lalong nadadagdagan ang nanganganak.
- KAGUTUMAN AT HINDI PAYAK NA KALUSUGAN
Dahil karamihan sa kanila ay hindi nakakatanggap ng paksang pangunahing pangkalusugan, ito
ay nagdudulot ng mga iba’t ibang sakit. Ang malnutrisyon ay ang pinaka-karaniwang sakit sa
mga taong nakakaranas ng kahirapan, ito ay dahil sila ay may kakulangan sa wasto at
masustansyang pagkain.

Magkakaiba ang mukha ng kahirapan; ito ay dahil sa magkakaiba rin ang danas sa penomenong
siyang isa sa pinakapangunahin at batayang suliranin ng maraming bansa sa mundo. May
kahirapan maging sa mga mauunlad na bansa, ngunit higit ang kahirapan sa mga tinatawag na
third world at developing countries. Magkakaiba rin ang pamantayan sa pagsukat ng kahirapan
sa iba’t ibang mga bansa, bagaman mayroong mga rekomendadong panukat sa insidente ng
kahirapan sa daigdig.

Aralin 2
Unang antolohiya ng kanyang mga katha ang BUGSO, ngunit marami na ring librong
pinamatnugutan si Efren Abueg, tulad ng Mga Piling Akda ng KADIPAN (1964), Mga Agos sa
Disyerto (edisyong 1965, 1974 at 1993), MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino (1970) at
Parnasong Tagalog ni Abadilla (1973). Kinilala ang kanyang kakayahan sa pagsulat ng maiikling
kuwento sa pagkakaloob sa kanya ng anim na Taunang Gawad Carlos Palanca (1959, 1960,
1963, 1964, 1967, at 1974); unang gantimpala sa timpalak ng KADIPAN (1957), Pang-alaalang
Gawad Balagtas (1969); pangatlong gantimpala sa timpalak ng Pilipino Free Press(1969) at
Mangangatha sa Tagalog (1992) ng Unyon ng Manunulat ng Pilipinas. Sa nobela naman,
nagwagi siya sa timpalak ng Liwayway (1964, 1965, at 1967) at sa sanaysay ay nakamit niya ang
unang gantimpala sa timpalak ng KADIPAN noong 1958. Kasama sa maraming teksbuk sa
Filipino ang kanyang mga nagkagantimpalang akda, aktibo siya sa pagtuturo ng wika at panitikan
sa MLQ University (1965-1972), Philippine College of Commerce (1971-72), Pamantasan ng
Lungsod ng Maynila (1974-77), Ateneo de Manila University (1977-78) at sa kasalukuyan,
propesor siya sa De La Salle University. Naging pangulo ng Kapisanan ng mga Propesor sa
Pilipino (KAPPIL, 1986-88), at Linangan ng Literatura ng Pilipinas (Literary League of the
Philippines) at direktor ng Philippine Folklore Society.

Aralin 3
DOMINADOR B. MIRASOL. Siya ay anak ng mag-asawang Aklanon at Bikolana na nagkaugat
sa Tondo. Manggagawa sa lagarian ang kanyang ama, kaya’t bukod sa mga estero,
barungbarong at mga looban ay karaniwan na ring tanawin sa kanya ang mga troso at kusutan.
Ang mga paksang hinango mula sa kanyang nilikhang kapaligiran ay hindi katakatakang
matuklasan sa marami ng kanyang isinulat na akda. Nagsimula siyang sumulat noong
labingwalong taong gulang, naging patnugot siya ng pitak sa Pilipino ng “The Quezonian”
pahayagang pang-estudyante ng MLQ University. Pagkaraang makapag-aral doon ng journalism
ay naging kagawad siya ng Aliwan, at nang lumaon ay ng Liwayway. Isa siya sa mga sinanay na
kabataang manunulat ng palihang pampanitikan sa ilalim ng noo’y direktor ng editoryal ng
Liwayway si Agustin C. Fabian. Mula roon, ay gumawa siya ng sariling pangalan sa panitikan.
Dalawang ulit na siyang nagwagi sa timpalak ng maikling kuwento ng Palanca Memorial Awards.
Dalawang ulit na siyang nagwagi sa timpalak ng maikling kuwento ng Palanca Memorial Awards.
Unang Gantimpala noong 1964 sa kanyang kuwentong “Mga Aso sa Lagarian” gayundin ang
kanyang “Mga Bangkay sa Dalampasigan ng mga Uwak” noong 1970. Kabilang sa kanyang mga
isinulat na nobela ay ang : Apoy sa Madaling Araw” ko-awtor si Rogelio L. Ordonez na nagtamo
ng pangalawang gantimpala sa timpalak ng nobela ng Liwayway noong 1963. “Mga Halik sa
Alikabok” unang gantimpala noong 1966 at “Magkabiyak ng Larawan” na nalathala rin sa
Liwayway noong 1973-1974. Naging lecturer sa Departamento ng Pilipino at Panitikan ng
Pilipinas, UP, kaugnay siya sa kasalukuyan sa DPI at magpahanggang ngayon ay patuloy pang
may hinahanap sa buhay.

You might also like