Filipino 8 - LP - Q2 - M1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-BAITANG 8

Kwarter: 2 Linggo: 1 Petsa: Nobyembre 07-10, 2022

I. Layunin

 Napipili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa binasa (F8PB-IIa-b-24)

II. Paksang Aralin

 Paksa: Pangunahin at Pantulong na Kaisipan


 Mga Sanggunian: ADM sa Filipino 8, Pluma 8
 Kagamitang Pampagtuturo: aklat, modyul, activity sheets

III. Pamamaraan

A. Panimulang Pagtataya

Panuto: Basahin ang talata. Isulat sa sagutang papel ang pangunahing kaisipan at mga pantulong na
kaisipan na ginamit dito. Gawing gabay ang talaan na nasa ibaba.

Dinaan sa panalangin at pagkakaisa ng mga Pilipino ang pakikibaka laban sa isang diktador.
Walang nagbuwis ng buhay ni gumamit ng dahas upang makamit ang minimithing kalayaan.
Naging payapa at hindi madugo ang pakikipaglaban sa kalayaan ng mamamayang Pilipino.
Sinasabing kakaiba ang rebolusyong naganap noong ika-22 hanggang 25 ng Pebrero taong
1986.

Pangunahing Kaisipan:
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________

Pantulong na Kaisipan:
(1)___________________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________

(2)___________________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________
(3)___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________

B.Paglalahad

PANUTO: Basahin at tukuyin ang pangunahing kaisipan ng talataan.

Sa pagnanais ng mga Pilipino na magsarili, nagsikap silang makipag-


ugnayan sa pamahalaang Estados Unidos. Dito isinilang ang isang trasitional
government, ang Pamahalaang Komonwelt.
Isang republika ang Pamahalaang Komonwelt sa ilalim ng
pampanguluhang uri. Nasa ilalim noon ang lehislatura sa isang sangay ang
Pambansang Asamblea, ngunit nang lumaon, ang Kongreso’y binuo ng dalawang
sangay – ang Senado at Kongreso. Ibinigay sa Korte Suprema at mababang
hukuman ang kapangyarihang pagpasyahan ang mga isinampang kaso batay sa
itinatadhana ng batas. May sariling awtonomiya ang Pamahalaang Komonnwelt
sa mga isyung may kaugnayan sa bansa at sa ibang bansa.
Bilang pangulo ng pamahalaang Komonwelt, tatlong pangunahing
suliranin ang binigyang-pansin ng Pangulong Quezon: (1) pampulitikang
katatagan, (2) seguridad, at (3) pagpapaunlad ng kabuhayan.
Halaw sa Wika at Panitikan sa makabagong Henerasyon ni Angelita A. BInsol, et.al.
Diwa Scholastic Press Inc. 2003

1. Ano ang pinapaksa ng talataan?


2. Natukoy mo ba ang pangunahing kaisipan? ang mga pantulong na kaisipan?
3. Ano kaya ang pagkakaiba ng pangunahing kaisipan sa mga pantulong na kaisipan?

C.Pagtatalakay

PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN

Ang isang teksto ay nagtataglay ng mahahalaga at tiyak na detalye


tungkol sa mga tao, bagay, lugar at pangyayari. Napalalawak natin ang
paksa sa tulong ng mga ideyang sumusuporta rito upang maging mas
malinaw at naiintindihan ang nais na ipahatid sa mga mambabasa.

Nahahati sa dalawa ang teksto: ito ang pangunahing kaisipan at isa


ay pantulong na mga ideya na nagsasabi tungkol sa pangunahing
kaisipan. Isa- isahin natin ito at pansinin ang mga halimbawa.

Pangunahing kaisipan – Ang pangunahing kaisipan ay tumutukoy sa


diwa ng buong teksto. Ito ang nagbibigay ng pahiwatig tungkol saan ang
pag-unawa sa talata. Ipinahahayag ito sa pamamagitan ng isang
pangungusap na tuwirang natutukoy kung ano ang pag-uusapan sa buong
talata. Kadalasan itong matatagpuan sa unang pangungusap. Maari ring
mabasa sa gitna ng talata maging sa huling pangungusap ng talata.

Halimbawa:
Unahang Kaisipan:
Ang tao ay espesyal na nilikha ng Diyos. Kung ating ihahambing
nga naman sa iba pang nilikha ng Diyos sa daigdig, walang pag-
aalinlangan na ang tao ay nakahihigit sa lahat. Ito rin ay mababatay sa
antas ng pag-iisip ng utak.

Gitnang Kaisipan:
Bilang isang estudyante sa kolehiyo, kailangan mong matutong
magsikap mag-isa dahil walang tutulong sa iyo kundi ang sarili mo. Ang
buhay kolehiyo ay sadyang napakahirap. Kailangan mo rin talagang
magsunog ng kilay para makakuha ng mataas na marka at ugaliing
magbasa sa aralin na napag-aralan na at mapag-aralan pa.

Hulihang Kaisipan:
Siya ang nag-aaruga sa atin mula nang tayo ay isinilang
hanggang sa paglaki. Siya rin ang humuhubog sa ating pagkatao para
tayo ay maging mabuting anak. Pinag-aaral niya tayo para sa ating
kinabukasan. Bilang ganti, dapat natin siyang mahalin at maging
mabuting anak sa kanya. Ang ating ina ay sinasabing ilaw ng tahanan.

Pantulong na kaisipan – ang pantulong na kaisipan naman ang


nagbibigay paliwanag o detalye sa isinasaad ng pamaksang
pangungusap.
May mga paraan ng pagbibigay ng detalye sa pamaksang pangungusap.
Narito ang ilan:
a. Gumamit ng impormasyon na maaaring mapatotohanan
Halimbawa:
Pamaksa: Nanganganib lumubog ang Kalakhang Maynila sa
darating na 2030.
Detalyeng Mapatotohanan: Tuwing umuulan binabaha na ang Maynila.

b. Gumamit ng mga istadistika


Halimbawa:
Pamaksa: Ang ekonomiya ng bansa’y unti-unti nang bumubuti.
Pantulong: Sa nakaraang buwan, umakyat ng dalawang puntos
limang bahagdan ang Gross Domestic Product ng
ating bansa.

c. Gumamit ng mga halimbawa


a. Halimbawa:
Pamaksa: Maraming kabataan ang nalululong sa iba’t ibang bisyo.
Pantulong: Ang ilan sa mga ito’y paninigarilyo, pagsusugal, at paggamit ng
bawal na gamot.

Kung mapapansin sa mga halimbawa na nasa itaas, ang hindi


nakasalungguhit na mga pahayag ay sumusuporta o nagbibigay detalye
na isinasaad sa pangunahing kaisipan. Ang bawat detalyeng ito ay mga
pantulong na kaisipan.
D.Pagpapayaman

Panuto: Basahin ang talata at isulat ang pangunahing kaisipan sa sagutang papel.
At sabihin kung saang bahagi (unahan, gitna o hulihan) ng talata nakuha ang
pangunahing kaisipan.

1. Ang panitikan sa panahon ng Amerikano at Komonwelt ay naging masigla at


maunlad. Naging malaya ang mga manunulat sa alinmang akda na kanilang
isusulat. Marami ang nailimbag na mga aklat pampanitikan at mga babasahin sa
panahong ito.

Sagot: Bahagi ng talata: __________________________

2. Totoo, ang mga doktor, nars at ibang mga frontliners ay handang magbuwis ng
kanilang buhay. Sila ang ating mga bagong bayani sa kasalukuyan. Nagtiis at
nagsakripisyo upang alagaan ang mga maysakit lalo na ang nagpositibo sa
corona virus.

Sagot: Bahagi ng talata: ____________________

3. Ang pagpapatupad ng edukasyon sa Pilipinas ng mga Amerikano ay mayroong


tatlong layunin. Una, upang palaganapin ang demokrasya. Pangalawa, sanayin
ang mga Pilipino sa pagkamamamayan at ang panghuli ay ipakalat ang wikang
Ingles sa ating bansa.

Sagot: Bahagi ng talata: _________________________

4. Sa panahon ng mga Amerikano, sinimulan ang pagtatatag ng mga pampublikong


paaralan at ginawa itong sapilitan. Ginamit ang wikang Ingles bilang midyum sa
pagtuturo. Hindi maipagkaila na ang pamahalaan ng Estados Unidos ang
namamahala sa pagbibigay ng libreng edukasyon sa Pilipinas.

Sagot: Bahagi ng Talata: _________________

5. Ganito ang sitwasyon ng sambayanang Pilipino sa kasalukuyan. Nagkaroon ng


malubhang problema sa komunikasyon ang bawat Pilipino. Labis na hindi sila
nagkakaintindihan at hindi nagkakaisa sa kanilang pag-iisip, pagnanasa at
pagkilos sa pambansang kaunlaran. Sapagkat hindi mabisa ang komunikasyon
sa isa’t isa.

Sagot: Bahagi ng Talata: ____________________________________________________________________

E.Paglalapat

Panuto: Magsaliksik ng isang tula tungkol sa Pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan.


Pagkatapos mabasa ang tulang nasaliksik, tukuyin at isulat sa graphic organizer ang
pangunahing kaisipan at pantulong na kaisipan na naglalahad sa diwang nais
iparating ng sumulat sa mambabasa.
Pamagat ng Tula:

Pangunahing Kaisipan

Pantulong na Kaisipan

B.Sumulat ng sariling tula gamit ang pangunahin at pantulong na


kaisipan na nasa itaas. Isulat sa sagutang papel.

Paksa: Malasakit at Bayanihan

F.Paglalahat

Panuto: Buoin ang mga ginulong letra. Isulat sa patlang ang angkop na salita.
B. Gamit ang mga salita sa taas, dugtungan ang mga pahayag na nagsasaad sa iyong
natutuhan sa araling ito.
1. Sa araling ito, natutuhan ko .
2. Masasabi ko na .
3. Para sa akin, mahalaga ito ___________________.

IV. Pagtataya

B. Basahin at kilalanin ang mga kaisipan at pagkatapos, isulat sa


sagutang papel ang pangunahin at pantulong na kaisipan. Gamitin
ang dayagram na nasa ibaba.

(1) Ito raw ay hindi nabigyang-pansin ng mga Kastila.


(2) Nagpatayo sila ng mga ospital at iba pang sentro ng kalusugan.
(3) Ang sistema ng pampublikong kalusugan sa Pilipinas ay may
mga pagbabago na sa panahon ng mga Amerikano.
(4) Subalit, nahirapan ang mga Amerikano sa pagtuturo ng kalinisan sa
mga
Pilipino dahil sa iba’t ibang uri ng kanilang pamumuhay.

V. Takdang -Aralin
Panuto: Sumulat ng isang talata tungkol sa pagtatampok ng inyong pamilya.
Ang talata ay kailangang nagtataglay ng 5 hanggang 7 na pangungusap. Ikahon
ang pangunahing kaisipan.

Pamantayan sa Pagmamarka 1 2 3 4 5

Nailalahad nang maayos ang talatang binuo.


Natutukoy ang pangunahin at pantulong na kaisipan.
Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga detalye.
Malinaw na nailalahad kung ano ang nais ihatid para
sa mga mambabasa.
Kabuoang Puntos

5 4 3 2 1
Maraming
Napakahusay Mahusay Katamtaman Di-mahusay
kakulangan

You might also like