Pe4 Quarter1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

4

Physical Education
Unang Markahan

LEARNING ACTIVITY SHEETS

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION II – CAGAYAN VALLEY

COPYRIGHT PAGE
Physical Education
(Grade 4)

Copyright © 2020
DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500

ecessary for exploitation of such work for profit.”

purposes and the source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an enhancemen

Consultants:
Regional Director : ESTELA L. CARIÑO, EdD., CESO IV, DepEd R02
Assistant Regional Director : RHODA T. RAZON, EdD,CESO V, DepEd R02
Schools Division Superintendent : GILBERT N. TONG, PhD, CEO VI, CESO V, City of Ilagan
Asst. Schools Division Superintendent: NELIA M. MABUTI, CESE, City of Ilagan
Chief Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG, PhD
Chief Education Supervisor, CID : SAMUEL P. LAZAM, PhD

Development Team
Writers:
CATHERINE C. ABAO
OLIVER S. FERNANDEZ, Teacher – I
ARLENE Q. TAGAO, Teacher - III

Content Editor: IMEDA L. AGUSTIN, MAPEH Supervisor


Language Editor: DENIS AGBAYANI, MAPEH Supervisor, CLMD, DepEd R02
RONNIE F. TEJANO, EPS-ENGLISH, CLMD DepEd Ro2
Illustrators:
Layout Artists: FERDINAND D. ASTELERO, PDO II
Focal Persons: DENIS M. AGBAYANI, Education Program Supervisor–MAPEH, CLMD, DepEd R02
EMELYN L. TALAUE, Division LRMS Supervisor
RIZALINO G. CARONAN, Education Program Supervisor–LRMDS, CLMD, DepEd R02

Printed by: Curriculum and Learning Management Division


DepEd, Carig Sur, Tuguegarao City

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all i


Table of Contents
Page
Compentency
number

Describes the physical activity pyramid, (PE4F-Ia-16) ..................... 1-6

Assesses regularly participation in physical activity


pyramid, (PE4PF-Ib-h-18) ..................... 7-13

Observes safety precautions, (PE4GS-h-3) ..................... 14-20

Executes the different skills involve in the game,


(PE4GS-Ic-h-4) ..................... 21-24

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all i


PHYSICAL EDUCATION 4
Pangalan: Grad Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
WEEK 1

Panimula (Susing Konsepto)

Physical Activity Pyramid

Ang Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino ay


makatutulong upang maging mas aktibo ang batang katulad mo. Ito ay hango mula
sa Pyramid Guide. Ito ay binubuo ng mga gawaing pisikal (physical activity) na
hinati sa apat na antas (levels) kung saan ang bawat antas ay tumutukoy sa
rekomendadong dalas ng paggawa (frequency) ng iba’t ibang mga gawaing pisikal
(physical activity). Ang gawaing pisikal ay tumutukoy sa anumang pagkilos ng
katawan na nangangailangan ng enerhiya (energy). Ito ay gawaing pisikal na
maaaring madali o hindi nangangailangan ng matinding buhos ng enerhiya gaya
ng pagsulat, pagbabasa, at iba pa. Maaari ding may kahirapan o mas
nangangailangan ito ng mas maraming buhos ng enerhiya gaya ng pagsayaw,
pagtakbo, paglalaro ng basketbol at iba pa.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


Samantala, ang dalas ng paggawa (frequency) ay tumutukoy sa dami ng
bilang ng paggawa ng isang gawain. Ang dalas ng paggawa ay makatutulong nang
malaki sa pagpapaunlad ng kalusugan lalo na kung ang gawaing pisikal ay
sumusubok sa kakayahan ng iyong katawan tulad ng pagpapabilis ng tibok ng
iyong puso at paghinga.
Ang Pisikal Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino ay nahahati sa
apat na antas. Ang pinakamababang antas ay mga pang-araw-araw na gawain.
Ang mga simpleng gawaing ito ay makatutulong sa iyong kalusugan dahil ang
iyong katawan ay kumikilos.
Habang tumataas sa pyramid, nirerekumenda na mas madalang na gawin
ang mga gawain. Ang pangalawang antas mula sa baba ay mga gawaing 3-5 beses
na rekumendadong gawin. Ito ay binubuo ng gawaing lubos na
makakapagpapataas ng tibok ng puso tulad ng pagbibisikleta, pagtakbo, paglalaro
ng basketball, volleyball at iba pa. Ang ikatlong antas mula sa baba naman ay mga
gawaing 2-3 beses na rekumendadong gawin. Ito ay binubuo ng mga gawaing
maaaring magpainam ng kundisyon ng iyong katawan gaya ng pagtumbling, push-
up, pull-up, pagsasayaw at iba pa.
Ang mga gawaing nasa tuktok naman ay mga gawaing 1 beses lamang na
rekumendadong gawin. Dahil ang mga ito ay itinuturing na sedentary activities o
iyong mga gawaing kung saan namamalagi lamang sa isang lugar ang isang bata
at hindi nangangailangan ng matindi niyang paggalaw. Ito ay binubuo ng
panonood ng TV, paglalaro sa computer, cellphone, pag-upo nang matagal at iba
pa. Hindi nakabubuti para sa iyong kalusugan ang madalas na paggawa ng mga
gawaing nasa tuktok ng pyramid dahil kulang sa subok ang kakayahan ng iyong
katawan.

Kasanayang Pampagkatuto at koda


Describes the physical activity pyramid. (Q1/Week - PE4F-Ia-16)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 2


Gawain 1
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang mga Gawain kung ginagawa mo ito araw-
araw 3-5 beses, 2-3 beses, o 1 beses sa loob ng isang linggo.

GAWAIN 1 2-3 4-5 Araw-


araw
Paglalakad (papuntang
Simbahan, paaralan
Palengke)
Pag-jogging
Paglalaro (habulan, taguan
Patintero, at iba pang mga
Laro)
Pagsasayaw (ballroom pop)
Pamamasyal (sa plasa, sa
park,
sa mall o kung saan pa)
Pamamalagi nang matagal
(paglalaro sa cellphone,
Panonood ng TV, paghiga
O pag-upo nang matagal)

Gawain 2
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Lahat ba ng gawaing nasa tsart ay ginagawa mo? Ilang beses mo ito
ginagawa sa isang linggo?
Sagot:
2. Aling mga gawain ang mas madaling gawin? Bakit?
Sagot:

3. Alin ang mas mahirap gawin? Bakit?


Sagot:

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 3


Gawain 3
Suriin ang iyong sagot sa Gawain 2. Pag-aralang mabuti ang Physical
Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino at sagutin ang sumusunod:
1. Aling Gawain sa tsart ang ginagawa mo na naaayon sa rekumendasyon
ng pyramid?
SAgot:

2. Aling mga Gawain ang sa tingin mo ay dapat mong dalasan ng


paggawa? At aling mga gawain naman ang dapat mong bawasan ng
dalas sa paggawa? Bakit?
Sagot:

Gawain 4
Ilarawan ang mga gawaing araw-araw 4-5 beses, 2-3 beses, 1 beses
GAWAIN 1 2-3 4-5 Araw-araw

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 4


Gawain 5
Simulan ang pagtala ng mga gawaing iyong ginagawa sa araw-araw.
Gumawa ng tsart na pang isang linggo at isulat ang mga gawaing ito.
Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado
Halimbawa: Halimbawa:
Pagtulong Paglalaro
sa ng habulan
paglalaba

Repleksiyon:
Ang aking natutuhan
ay

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 5


MGA SANGGUNIAN
Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan 4
Most Essential Learning Competencies in P.E 4

SUSI SA PAGWAWASTO
Naaayon sa mga pang- araw araw na gawain ng bata.

Inihanda ni:
CATHERINE C. ABAO
May akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 6


PHYSICAL EDUCATION 4

Pangalan: Grade Lebel:


Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Sangkap ng Physical Fitness
WEEK 1-B
Panimula (Susing Konsepto)
Ang mga sangkap ng physical fitness ay natututuhan upang malaman ang
kahalagahan ng mga ito sa kalusugan ng isang tao. Ang pagkakaiba ng mga
sangkap ay maipaliliwanag upang lalo pang mapaunlad ang mga ito sa
pamamagitan ng pakikilahok sa isports, sayaw at iba pang pang-araw-araw na
gawain.
Ang Physical Fitness ay ang kakayahan ng bawat tao na makagawa ng
pang- araw-araw na gawain nang hindi kaagad napapagod at hindi na
nangangailangan ng karagdagang lakas sa oras ng pangangailangan. Tumutukoy
rin ito sa mga katangiang tumutulong sa pagtugon sa mga pangangailangan ng
katawan ayon sa gawain. Ito ay binubuo ng dalawang sangkap: health-related at skill-related.

HEALTH-RELATED
Sangkap Kahulugan Halimbawa ng Paraan ng
gawain paglinang
Cardiovascular Kakayahang Pagtakbo 3-minute step test
Endurance (CVE) makagawa ng Paglalakad
(Tatag ng Puso at pangmatagalang nang mabilis
Baga) gawain na Pag-akyat sa
gumagamit ng daanan
malikhang mga
galaw sa
katamtaman
hanggang mataas na
antas ng kahirapan
Mascular Kakayahan ng mga Pagtakbo Curl-up
Endurance (ME) kalamnan na Pagbubuhat ng
matagalan ang paulit-ulit

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 7


(Tatag ng paulit-ulit at
Kalamnan) mahabang paggawa
Mascular Strength Kakayahan ng mga Pagpalo nang Push-up
(MS) kalamnan na malakas sa
(Lakas ng makapagpalabas ng baseball
Kalamnan) puwersa sa isang Pagtulak sa
beses na buhos ng isang bagay
lakas
Flexibility (F) Kakayahan na Pagbangon sa Sit ang Reach
(Kahutukan) makaabot ng isang pagkakahiga
bagay nang malaya Pagbuhat ng
sa pamamagitan ng bagay
pag-unat ng Pag-abot ng
kalamnan at bagay mula sa
kasukasuan itaas
Body Dami ng taba at Body Mass Index
Composition (BC) parte na walang (BMI)
taba sa katawan

SKILL-RELATED
Sangkap Kahulugan Halimbawa ng Paraan ng
Gawain paglinang
Agility Kakayahang mag- Pag-iwas sa Shuttle run
(Liksi) iba ng posisyon ng kalaban sa
katawan nang football o
mabilisan at patintero
naaayon sa
pagkilos
Balance Kakayahan ng Gymnastic stunts Stork Stand Test
katawan na Pagsasayaw
panatilihing nasa Pagspike sa
wastong tikas volleyball
habang nakatayo
sa isa o dalawang
paa at pag-ikot sa
ere
Coordination Kakayahan ng Pagsasayaw Alternate Hard
iba’t ibang parte Pagdidribol ng Wall Test
ng katawan na bola
kumilos nang

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 8


sabay-sabay na
parang iisa nang
walang kalituhan
Power Kakayahang Pagpikol ng bola Standing Long
makapagpalabas ng baseball Jump
ng puwersa nang Paghagis ng bola Vertical Jump
mabilisan batay sa
kombinasyon ng
pagkilos
Reaction Time Kakayahan ng Pagkilos ayon sa Ruler Drop Test
mga bahagi ng bato ng bola sa
katawan sa batuhan ng bola
mabilisang Pag-iwas sa taya
pagkilos sa patintero
pagsalo, pag-abot
at pagtanggap ng
paparating na
bagay o sa
mabilisang pag-
iwas sa hindi
inaasahang bagay
Speed Kakayahang Pagtakbo 50m sprint
(Bilis) makagawa ng Pagpasa ng bola
kilos sa maiksing
panahon

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Assesses regularly participation in physical activities based on physical activity
pyramid (Q1/PE4PF-Ib-h-18)

Gawain 1
Panuto. Lagyan ng tsek (/) ang kolum kung ang nabanggit ay madalas mong
ginagawa.
Oo Hindi
1. Narananasan mo na bang maglaro ng habulan at
pagtakbo ng paekis-ekis?
2. Ikaw ba’y nakipaglaro na sa iyong mga kaptid at
magulang?
3. Madalas ka bang maglaro ng luksong lubid, patintero at
tumbang preso?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 9


4. Nasisiyahan ka ba habang nakikipaglaro sa iyong mga
kaibigan?
5. Nakatutulong ba sa paglinang ng physical fitness ang
paglalaro?

Gawain 2
Panuto. Pagtambalin ang mga sangkap ng physical fitness sa Hanay A at
ang mga kahulugan sa Hanay B.

Hanay A Hanay B
1. Cardiovascular Endurance (CVE) a. kakayahang makagawa ng
pangmatagalang gawain na
gumagamit ng malakihang mga
galaw

2. Mascular Endurance (ME) b. dami ng taba at parte na walng


taba

3. Mascular Strength (MS) c. kakayahang makaabot ng isnag


bagay ng malaya sa
pamamagitan ng pag-unat ng
kalamnan at kasukasuhan

4. Flexibility (F) d. kakayahan ng mga kalamnan na


makapagpalabas ng pwersa sa
isang beses na buhos ng lakas

5. Body Composition (BC) e. kakayahan ng mga kalamnan na


matagalan ang paulit-ulit at
mahabang paggawa

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


Gawain 3
Panuto. Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang wastong sagot sa loob ng
kahon.
Agility (A) Balance (B) Coordination ( C )
Power (P) Reaction Time (RT) Speed (S)

1. Ito ay kakayahan ng iba’t ibang parte ng katawan na kumilos nang


sabay-sabay na parang iisa nang walang kalituhan.
2. Tawag sa kakayahang makagawa ng kilos sa maiksing panahon.
3. Ito ay kakayahan ng mga bahagi ng katawan sa mabilisang pagkilos
sa pagsalo at pag-abot ng bagay.
4. Ito ay kabilang sa skill-related na sangkap na ang halimbawa ay
pagdidribol ng bola.
5. Kakayahang makapagpalabas ng puwersa nang mabilisan batay sa
kombinasyon ng pagkilos.

Gawain 4
Panuto. Pumunta sa maluwang na espasyo sa inyong bahay. Sa loob ng
kahon sa ibaba may mga estasyon na nakatalaga. Sundin ang mga ito at sagutin
ang mga tanong pagkatapos.

Unang Estasyon
Pangalawang Estasyonat pagilid Pangatlong Estasyon
Pagtalon ng sampung beses na walang tigil na patalikod
Paglaro ng habulan sa loob ng itinakdang palaruan
Pagbubuhat ng libro mula
sa dulo ng palaruan
hanggang sa kabilang
dulo ng palaruan

Pang-apat na Estasyon
Panglimang Estasyon Pang-anim na Estasyon
Mabilisang pagtakbo mula sa dulo ng palaruan hanggang sa kabilang dulo ng palaruan
Palayuang paghagis ng bola ng basketbol o balibol
Pagpatong ng libro sa ulo
at mga kamay habang
naglalakad mula sa isang
lugar at pabalik

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


Sagutin ang mga tanong:
1. Aling mga estasyon ang isa lamang ang sangkap ng physical fitness na
kaakibat ng gawain? Ano-anong mga sangkap na ito?
Sagot:

2. Ano-anong sangkap ng physical fitness ang kadalasang magkasama o


parehong kaakibat ng isang gawain? Sa aling estasyon ito kaakibat?
Sagot:

Gawain 5
Panuto. Magtala at markahan ng tsek (/) ang mga gawain sa bahay na may
kaakibat sa mga sangkap ng physical fitness. Ang unang aytem ay nagawa na para
sayo.
Health-related Skill-related
Mga Gawain
CVE ME MS F BC A B C P RT S
1. Paglalaro ng habulan / / / / / / / /
2.
3.
4.
5.
6.

Repleksiyon:
Ang natutuhan ko ay

MGA SANGGUNIAN
Curriculum Guide Physical Education 4
Most Essential Learning Competencies in P.E 4
Edukasyon Pangkatawan 4

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 1
Iba-iba ang sagot.

Gawain 2
1. A 2. E 3. D 4. C 5. B

Gawain 3
1. Coordination
2. Speed
3. Reaction Time
4. Coordination
5. Power

Gawain 4
Iba-iba ang sagot.

Gawain 5
Iba-iba ang sagot.

Inihanda ni:

OLIVER S. FERNANDEZ, Teacher - I


May akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


PHYSICAL EDUCATION 4

Pangalan: Grade Lebel:


Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
WEEK 1-C

Ang physical fitness ay ang kakayahan ng bawat tao na makagawa ng pang-


araw-araw na gawain ng hindi kaagad napapagod. Ngunit paano natin maiiwasan
na masaktan habang isinasagawa ang anumang bagay na ating ginagawa araw-
araw?

Kasanayang Pampagkatuto at koda


Observes safety precautions (Q1/Week 1 - PE4GS-h-3)

Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI naman kung

1. Makinig at sundin ang tagubilin ng guro sa lahat ng oras.


2. Uminom ng maraming tubing bago, kasalukuyan at pagkatapos ng
pagsubok.
3. Magsuot ng kumpleto at angkop na damit.
4. Dapat may sapat na enerhiya para sa ano mang pagsubok/gawain.
5. Magtanong sa guro kung hindi naintindihan ang kanyang sinabi o
tagubilin.
6. Gawin kaagad ang pagsubok ng walang warm-up o stretching
exercises.
7. Huwag magpokus sa iyong ginagawa.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


8. Suriin ang mga kagamitang gagamitin.
9. Itala agad ang resulta ng pagsubok.
10. Habang nagsasalita ang guro makipagdaldalan sa iyong katabi.

Gawain 2

Panuto:

Hanapin ang mga salitang nasa kahon na may kinalaman sa Pag-iingat sa Kali

W E N E R H I Y A G K

A S T I H K A N O P U

R M B T X Y Z S D B M

M O M A K I N I G S P

U N S L L M K Z S V L

P I X A Z P O K U S E

C M X L M B K C R E T

R U S V S U N D I N O

E T G B J I I Y I F G

A N G K O P X Z N A M

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


Gawain 3
Panuto:

Piliin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlan

Hanay A Hanay B

1. Makinig at sundin ang


tagubilin ng guro sa lahat ng oras. a .

b.
2. Itala agad ang resulta ng
pagsubok.

3. Magsuot ng kumpleto at angkop


na damit.
c.

4. Magpokus sa
iyong ginagawa.
d

5. Mag warm-up o
stretching muna bago gawin ang
pagsubok.
e.

16
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 4
Direction:
Tukuyin kung ligtas o hindi ligtas ang pinapakita ng bawat larawan. Lagyan ng tsek (/) ang kahon.

2.
1.

Ligtas Hindi –Ligtas


Ligtas Hindi –Ligtas

3. 4.

Ligtas Hindi –Ligtas Ligtas Hindi - Ligtas

5.

Ligtas Hindi - Ligtas

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


PAGLALAHAT

1. Bakit mahalagang malaman ang Safety Precautions o Pag – iingat sa


Kaligtasan sa isasagawang pagsubok?

2. Magtala ng limang pag-iingat sa kaligtasan upang maiiwasan na masaktan


habang isinasagawa ang pang-araw-araw na gawain.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


MGA SANGGUNIAN

Curriculum Guide Physical Education 4


Most Essential Learning Competencies in Music 4
Edukasyon Pangkatawan 4

SUSI SA PAGWAWASTO

GAWAIN 1
1. Tama 2. Mali 3. Tama 4. Mali 5. Tama
6. Mali 7. Mali 8. Tama 9. Tama 10. Mali

GAWAIN 2
W E N E R H I Y A G M K

A S T I H K A N O P R U

R M B T X Y Z S D B I M

M O M A K I N I G S A P

U N S L L M K Z S V Q L

P I X A Z P O K U S T E

C M X L M B K C R E K T

R U S V S U N D I N J O

E T G B J I I Y I F M G

A N G K O P X Z N A C M

GAWAIN 3
1. C
2. D
3. B
4. E
5. A

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


GAWAIN 4
1. Ligtas
2. Ligtas
3. hindi ligtas
4. ligtas
5. hindi ligtas

GAWAIN 5
1. Upang makaiwas sa ano mang sakuna.
2.1 Makinig at sundin ang tagubilin ng guro sa lahat ng oras.
2.2Itala agad ang resulta ng pagsubok
2.3Magsuot ng kumpleto at angkop na damit.
2.4Magpokus sa iyong ginagawa.
2.5 Mag warm-up o stretching muna bago gawin ang pagsubok.

Inihanda ni:

MARIA THERISITA C. CORREO, Teacher - I


May akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 2


PHYSICAL EDUCATION 4

Pangalan: Grade Lebel:


Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Maglaro Tayo
WEEK 2&8

Panimula (Susing Konsepto)


Ang pakikilahok sa mga laro ay mainam na paraan upang mapaunlad ang
cardio vascular endurance.
Ang pagpapaunlad ng Cardiovascular Endurance ang pokus sa gawain na
ito. Bibigyan pansin ito upang mas mapaunlad ang kalusugan sa pamamagitan ng
paglahok sa mga gawaing sumusubok sa tatag ng puso.

Kasanayang Pampagkatuto at koda


1. Executes the different skills involve in the game.
(Q1/Week 2-8) (PE4GS-Ic-h-4)

Panuto: Isagawa ang mga hakbang sa mga sumusunod na laro.

Pamaraan

Gawain 1. Jumping Rope

1. Dapat naayon sa iyong tangkad ang haba ng


gagamiting jump rope. Hawakan ang
magkabilang dulo ng jump rope, tapakan ang
gitnang bahagi nito at siguraduhing hanggang
sa may kili kili ang haba nito.
2. Kailangan lumundag habang pinapaikot ang
tali pataas at pababa.
3. Ulit ulitin ito hanggang sa di ma out.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 2


Gawain 2. High Knee March

1. Lumakad sa kinaroroonan nang nakataas ang


tuhod.
2. Kung sino ang may pinakamagal ang oras na
maglakad ng ganito ang syang panalo.
Gawain 3. Jumping Jacks
1. Tumayo na may 45 degri ang posisyon ng paa
habang ang dalawang kamay ay nakababa.
2. Lumundag at ibuka ang paa kasabay ng pagtaas
ng dalawang kamay.
3. Lumundag ulit pabalik sa unang posisyon ng
kamay at paa.
4. Ulit ulitin ang paglundag hanggang sa kaya
mong gawin.

Gawain 4. Isulat ang Tama kung tama ang isinasaad ng pangungusap Mali kung
hindi.

1. Masaya ako habang naglalaro.


2. Bumilis ang pintig o tibok ng iyong puso habang naglalaro nito.
3. Kung madalas mo itong lalaroin mapapaunlad ang iyong vascular
endurance.
4. Iwasan ang paglaro ng jumping rope upang hindi mapagod.
5. Ang cardio vascular endurance ay kakayahang makagawa ng
pangmatagalang
gawaiin na gumagamit ng malakihang mga galaw sa katamtaman
hanggang mataas na antas ng kahirapan.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 2


Gawain 5. Ilan ang kaya kong gawin?
Isagawa ang mga nakatalang Gawain sa ibaba na nakalilinang ng Cardio
vascular endurance. Lagyan ng tsek (/) kung maayos mong naisagawa ang mga ito.

Gawain Lunes Martes Meyerkules Huwebes Biyernes


Jumping Rope
High Knee
March
Jumping Jacks
PANGWAKAS

Ang paglinang ng cardiovascular endurance ay mahalaga para mas


malusog ang pangangatawan. Ang mga gawain tulad paglalaro ng Jumping Rope,
High Knee March at Jumping Jacks ay mainam na mga paraan upang mapaunlad
ang cardiovascular endurance. Mas mainam kung ito ay madalas na gagawin.

MGA SANGGUNIAN
Google,
Batayang Aklat ng P.E. 4
Most Essential Learning Competencies in P.E 4

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 2


SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 5
1.Tama
2. Tama
3. Tama
4. Mali
5. Tama

Gawain 6
Kung ilan ang kayang gawin ng mag aaral bawat araw.

Inihanda ni:

ARLENE Q. TAGAO, Teacher - III


May akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 2

You might also like