For Midter and Finals M.K

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Kabatiran sa MAIKLING KUWENTO

 Isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng


isa o ilang tauhan.
 Iisang kakintalan o impresyon lamang.
 Masining na anyo ng panitikan.
 Paggagad ng realidad.
 Maiksing katha ng paglalahad kaiba sa nobela ang maikling kuwento na may matipid na
paggamit ng mga pananalita.

Elemento ng Maikling Kuwento


 Panimula
 Tauhan- nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung
ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida, o
suportang tauhan.
 Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga
insidente, gayundin ang panahon kung kalian naganap ang kuwento.
 Suliranin- kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
 Gitna
 Saglit na kasiglahan- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa suliranin.
 Tunggalian- bahaging kababasahan ng pakikitunggali o
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning
kahaharapin.
 Sarili laban sa sarili
 Sarili laban sa kapuwa
 Sarili laban sa kalikasan
 Sarili laban sa pamahalaan
 Sarili laban sa relihiyon
 Sarili laban sa bansa
 Sarili laban sa kultura
 Sarili laban sa lipunan
 Kasukdulan- pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
 Wakas
 Kakalasan- bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng
kuwento.
 Katapusan- bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento,
maaring masaya, malungkot, pagkatalo, at pagkapanalo.
 Aral- bahagi na kapupulutan ng magandang mensahe.

Uri ng Maikling Kuwento

1. Kuwento ng tauhan- inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga


tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng
isang mambabasa.
2. Kuwento ng katutubong kulay- binibigyang diin ang kapaligiran at mg
pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa
nasabing pook.
3. Kuwentong bayan- nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan
ng buong bayan.
(MIDTERM)
4. Kuwentong kababalaghan- pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi
kapanipaniwala.
5. Kuwentong katatakutan- pangyayaring kasindak-sindak.
6. Kuwentong madulang pangyayari- binibigyang diin ang kapanapanabik at
mahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
(PRE-FINALS)
7. Kuwentong sikolohiko- ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang
tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong
bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
8. Kuwento ng pakikipagsapalaran- nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng
kuwento.
9. Kuwentong katatawanan- nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mga mambabasa.
(FINALS)
Balangkas ng Maikling Kuwento
Pagsusuri sa akdang
(Kalupi ni Benjamin Pascual)

Pangalan: Jessie Gonzales Dayag Jr.

Course: Bachelor of Secondary Education Major in Filipino

Code:

Araw: Lunes-Miyerkules-Biyernes

Lecturer: Jessie Gonzales Dayag Jr.


Kalupi
ni: Benjamin Pascual

I. Pagsusuri sa Pamagat: (1 talata pagpapaliwanag)


a. Salamin sa buhay ng may-akda
b. Kapit sa realidad o anino ng pangyaari
c. Katutubong madulang tagpo

II. Anyo ng Akdang Pampanitikan: (1 talata pagpapaliwanag)


a. Tuluyan o Prosa
b. Patula

III. Uri ng Maikling Kuwento: (1talata pagpapaliwanag)

IV. Balangkas ng Pagsusuri:

a. Panimula
1. Tauhan-
 Bilog
 Lapad
 Protagonista
 Antagonista
2. Tagpuan-
 Dako ng pinangyarihan
 Panahon at Oras
3. Suliranin-

b. Gitna
4. Saglit na kasiglahan-
5. Tunggalian-
6. Kasukdulan-
c. Wakas
7. Kakalasan
8. Katapusan
9. Aral

V. Bisang Pampanitikan

 Bisang Pandamdamin – Tumutukoy ito sa nagging epekto o


pagbabagong naganap sa inyong damdamin matapos mo mabasa
ang akda
 Bisang Pangkaisipan - Nagbubunsod ito upang tayo ay mag-isip
nang may kabuluhan upang yumabong at yumaman ang ating
isipan. Nagiging kawili-wili at kalugod lugod ang mabuhay dahil
sa bisang ito.
 Bisang Pangkaasalan- Ang panitikan ay nakatutulong sa
paghubog ng ugali. Ang pagpapahalaga sa bisang ito ay pagkilala
sa pagkaresponsable ng indibidwal at sa pag-angat sa kaniyang
kalagayan.
 Bisang Panlipunan – Naglalarawan sa mga pangyayaring
nagaganap sa kapaligiran.

You might also like