Aralin 1.1 Filipino 9
Aralin 1.1 Filipino 9
Aralin 1.1 Filipino 9
Mga Halimbawa:
a. Siya ay matalino saka mapagbigay pa.
b. Abala ang lahat, samantalang ikaw ay walang ginagawa.
3. kaya, dahil sa – ginagamit na pananhi
Mga Halimbawa:
a. Kaya hindi natututo ang tao dulot ng kaniyang kapalaluan.
b. Siya’y nagtagumpay dahil sa kaniyang pagsisikap.
Transitional Devices
1. sa wakas, sa lahat ng ito - panapos
Mga Halimbawa:
a. Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak.
b. Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga anak na sila’y mahal na mahal ng
kanilang ama.
2. kung gayon – panlinaw
Mga Halimbawa:
a. Malinaw ang paalala ng ina sa kaniya, kung gayon kailangan niyang
pagbutihin ang kaniyang pag-aaral.
GAWAIN 8. Pag-alam sa Natutuhan
Pagsasanay 1
Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na transitional device upang mabuo ang pahayag. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
1. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa Bohol at Cebu,
(kaya, sa lahat ng ito) hindi niya lubos maisip kung paano niya ito haharapin.
2. (Datapwat, subalit) nasasabi niyang siya’y nakakaraos sa buhay, (subalit,
kaya) hindi pa rin maipagkakaila ang lungkot na kaniyang nararamdaman.
3. Siya’y nahimasmasan (sa wakas, saka) naisip niyang dapat siyang magpatuloy
sa buhay.
4. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema (kaya, sa lahat ng ito),
hindi na niya alintana ang mga darating pa.
5. Hindi na niya itutuloy ang kaniyang pagpunta sa ibang bansa, (kung gayon,
kaya) mapipilitan siyang maghanap na lamang ng trabaho malapit sa kaniyang
pamilya.
Pagsasanay 2 Punan ng angkop na transitional device ang mga patlang upang mabuo ang kaisipan ng kuwento. Isulat sa papel ang
iyong sagot.
Krus
Isang gabi, maliwanag ang buwan, naisipan ni Brinth na mag-ensayo ng diving para sa isang tryout bilang
paghahanda sa SEA Games. ____ nga mayaman, sunod ang kaniyang layaw sa anumang gustuhin niya. ____
kakulangan ng oras sa umaga dulot ng paglalakwatsa, naisip niya sa gabi na lamang siya mag-eensayo. Alam niyang
kahit hindi siya mag-ensayo, matatanggap pa rin siya ____ matalik na kaibigan ng kaniyang ama ang Chairman ng
Philippine Sports Commission. Pagod siya sa buong araw na pag-aaral ____ pursigido siyang dapat mapanalunan ang
kampeonato.
Patay ang lahat na ilaw sa paligid ng paaralan. Ang tanging tumatanglaw lamang ay ang isang ilawan sa covered
court at ang maliwanag na sinag ng buwan.
____, habang siya’y nakatayo sa springboard ng pool na may taas na tatlumpung talampakan, dahan-dahan niyang
itinataas ang kaniyang dalawang kamay, ____ umaayos nang nakadipa bilang paghahanda sa pagtalon. ____ biglang
nag-brownout. Ang sinag na lamang ng buwan na nasa kaniyang likuran ang tanging tumatanglaw sa kaniya. ____ na
lamang ang kaniyang pagkabigla nang kaniyang makita ang larawan ng krus sa kaniyang harapan. Siya’y lumuhod sa
kinatatayuang springboard at umusal.
“Panginoon, kung ito’y isang pahiwatig na ako’y dapat magbago sa aking kapalaluan, patawarin N’yo po ako. Taos-
puso po akong lumuluhod sa inyong harapan at nagsusumamo na patawarin N’yo po sana ako.”
Patuloy na humagulgol si Brinth at ‘di namalayang bumalik ang kuryente. Siya pa rin ay nakaluhod at nakayuko nang
biglang umilaw ang paligid.
Nang kaniyang ibuka ang mga mata, doon lamang niya nakita na wala palang tubig ang pool kung saan siya dapat
tumalon kanina bago namatay ang mga ilaw. Bigla siyang tumayo at nagwika nang pabulong, “Salamat po,
Panginoon.”
Mula noon ay hindi na siya bumalik sa springboard na ‘yun.