Para kay pareng Crispin, hindi ako magsasawang sabihin sa 'yo na,
Balang araw, dadalawin ka rin uli ng pag-ibig.
Sa pagkakataong 'to, patas lang tayo; "Pare-pareho tayong bigo".
Kalungkutan sa pag-iisa.
Kalungkutan sa paghahanap ng sarili.
Hinding-hindi ko rin talaga makakalimutan kung paano inexecute ang mga huling shots ng pelikulang 'to. Bilang manonood, kitang-kita mo talaga, at mararamdaman, 'yong ipinakita niyang mixed emotions. Masisilayan mo talaga ang nagaganap na internal conflict sa kanya. That smile, na nag-transition from pangungumusta to pagkalumbay.