Maikling Kuwento

Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MAIKLING KUWENTO Ang maikling kuwento ay isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang diwa ay napapalaman

sa isang buo, mahigpit at makapangyarihang balangkas na inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw. Elemento ng maikling kuwento: 1.Banghay. Ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. 2.Paningin. Nagsasaad kung saan dapat talakayin ang paksa at kung sinong tauhan ang dapat maglahad ng mga pangyayaring makikita at maririnig niya. 3.Suliranin (Problem). Ang problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan at ang kalutasan nito sa katapusan ng akda. 4.Paksang-diwa (Theme). Ito ang mahalagang pang-isipin o significant idea na iniikutan ng mga pangyayari sa akda. 5.Himig (Mood). Ito ay tumutukoy sa kulay ng damdamin. Ang himig ay maaaring mapanudyo, mapapagpatawa, at iba pang magpapahiwatiig ng kulay ng kalikasang damdamin. 6.Salitaan (Dialogue). Ang usapan ng mga tauhan. Kailangang ang diyalogo ay magawang natural at hindi artipisyal. 7.Kapanabikan. Nalilikha ito ng paglalaban ng mga tauhan o ng bidang tauhan laban sa mga kasalungat niya. Ito ang pinakakapana-panabik na bahagi na nararamdaman ng mga mambabasa bunga ng hindi matiyak na magiging kalagayan ng pangunahing tauhan sa kanyang pakikipagtunggali. 8.Pagtutunggali (Conflict). Ito ang paglalaban ng pangunahing tauhan at ng kanyang mga kasalungat na maaaring kapwa tauhan, o ng kalikasan o ng damdamin na rin niya. 9.Kakalasan (Disentangle). Ito ang kinalabasan ng paglalaban ng tauhan sa akda. 10.Kasukdulan (Climax). Ito ang pinakamataas na uri ng pananabik. Sa bahaging ito ng akda humigit-kumulang malalaman na kung nagtagumpay o nabigo ang pangunahing tauhan sa paglutas niya sa kanyang suliranin. 11.Galaw (Action). Tumutukoy ito sa paglakad o pag-unlad ng kuwento mula sa pagkakalahad ng suliranin hanggang sa malutas ang suliraning ito saw akas ng katha.

GAWAIN: Gawan ng balangkas ang kuwentong sa pamamagitan ng plot diagram. Gamitin ang tsart na nasa ibaba.

Pamagat ng Kuwento:

Pangunahing Tauhan:

Tagpuan/Panahon:

Galaw ng mga Pangyayari: a.Simula


b.Papataas na pangyayari c.Kasukdulan d.Kakalasan e.Wakas

Mga Aral na Nakuha:

You might also like