Dula
Dula
Dula
Unang Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay)
Tilon
Pangalawang Tagpo
(Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang misa)
Tilon
Pangatlong Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay nina Lolo at Lola)
Anak 2: Nanay, Tatay, sanay maging Pasko araw-araw para narito tayong lagi kina Lolo at
Lola.
Mga Anak: Lolo, Lola, aalis na po kami. Maligayang Pasko po ulit sa inyo at Manigong
Bagong Taon sa lahat.
Nanay at Tatay: Maraning salamat po sa handa ninyong mga pagkain. Busog na busog po
kaming lahat.
Buong Mag-anak: (Muling mag-mamano kasabay ang pagpapaalam.) Paalam na po.
Mamasko pa po kami sa ibang kamag-anak natin pagkagising sa umaga.
Lolo at Lola: Mag-iingat kayo sa daan.
Tilon
Mga Tauhan:
Di-naglaon.. Nakaalis na rin ang mga anak nila at nakapasok na sa eskwelahan.. Naiwan ang
mag-asawa sa bahay. At nagsimulang magsalita si Itay.
Itay: Naku, pano yan inay? Wala pa kong sahod, sa susunod na linggo pa ang sweldo ko?
Bukas na pala ang exam ni Kara.
Inay: ... (nakatungo lamang si inay)
Itay: Si Bunsoy pa, ang sapatos nya. Mahigit isang taon na iyon. At ngayo'y sira- sira na.
Kawawa naman ang bata.
Inay: ...
Napansin naman ng Itay na kanina pa walang imik ang asawa nya. Kaya naman ito'y
kinamusta nya.
Habang palapit ito kay Inay, napansin nitong namumutla ang asawa.Hinawakan nito ang
leeg at noo..
Itay: May lagnat ka. Tsk, tsk. Wag ka muna pumasok sa trabaho. Magpahinga ka muna sa
ngayon at baka lumala pa yan. Eto, gamot para sa lagnat mo, inumin mo ya--
Inay: Hindi.
Itay: Ha? Anong hindi? Kailangan mo uminom ng gamot at magpahinga.
Inay: Ayoko. Kailangan ko magtrabaho.
Itay: Pero..
Inay: Ayoko. Makikiusap ako sa amo ko. Ipapa-aga ko ang sweldo ko. Kailangan na natin ng
pera.
Itay: Osya. Ikaw bahala. Basta magpahinga ka ha? Sumusobra na yata ang pagtatrabaho mo.
Tapos uminom ka ng gamot. Papasok na ko sa trabaho. Paalam. Tandaan mo, makararaos
din tayo.
Amo: Oh. Nandyan ka na pala. Buti naman at dumating ka na. Aalis kasi kami ng mga anak
ko. Kung maaari sana'y ikaw muna ang umasikaso dito. Wala sila Inday.. Dayoff nila. Kaya
ikaw lang ang maiiwan dito. Pagpasensyahan mo na ha. Hayaan mo dadagdagan ko sweldo
mo.
Inay: Naku, ma'am yun nga po ang pinunta ko rito.
Amo: Oh, bakit?
Inay: Kasi po ma'am. Bukas na po ang exam ng anak ko, tapos sinisingil na rin po kami sa
bayarin sa bahay. Eh kaso ang asawa ko po, sa susunod na linggo pa ang sweldo. Eh
hanggang ngayong week nalang po ang mga bayarin.
Amo: Ah..
Inay: Eh nahihiya man po akong magsabi sainyo, ngunit nagbabakasali lang po akong kung
maaari ay ngayon ko po makuha ang sweldo ko, kahit magkano lang po. Basta makapag-
bayad lang ako sa amin.
Di lamang pinansin ng amo ang anak nya, at patuloy na naghintay sa sagot nya.
Sabi nito na nakangiti. Mabait ang amo ni Inay. Mapagkumbaba at maraming kaibigan.
Walang niisang taong minaliit nya kahit katulong lamang ito sa bahay nila.
Inay: Naku, eh sa totoo lang po 36,000 po eh. Kasama na po ang lahat ng utang namin sa
nirerentahan.
Amo: Ah ganun ba? Oh, etoh. 50,000. Ang matitira, sayo nalang. Sa susunod na buwan may
sweldo ka pa.
Inay: Naku! Maraming salamat po! Malaking tulong po ito.
Amo: Haha. Ayos lang. Basta wag mo kaming iiwan ha?
Pagbibiro nito.
Sa sinabi ni Gerald, halos mangiyak- ngiyak na si Inay. Hindi nya akalaing sa araw na ito,
napakaraming nangyaring hindi inaasahan.
Amo: Oh, ano pang hinihintay mo? Umuwi ka na. Alam kong pagod ka na.
Inay: Naku. Maraming maraming salamat po ha?
Amo: Osige. Magkita nalang tayo bukas.
Inay: Sige po.
Umuwi si Inay sa bahay at nadatnang nandon na ang dalaga nya't ang bunso pati ang Itay.
Pumasok sya sa bahay at napansing wala ang panganay nya.
Nang matapos kumain ang pamilya.. Kinagabihan wala parin ang panganay nila. Si Itay, si
Kara at ang bunsong kapatid at tulog na. Si Inay naman ay lumabas ng bahay. Nahihilo man
at inaantok na ang Inay ay hinintay parin nito si Ivan na pumasok sa gate nila.
Wala nang ibang ginawa ang Inay kundi yakapin ang anak at pasalamatan ito.
Kinaumagahan ay isa nanamang panibagong araw. Maraming pagbabago, pero ito naman ay
para sa ikinabuti ng pamilya nila.
Pag-iibigan ni Jeny at Max
Tagapagsalaysay: Unang araw ni Jeny sa paaralan bilang ika-lawang taon ng sekundarya at
nabalitaan nilang magkakaibigan na sina Ron, Jeny, Ciara, Len, Diana, Mika na maraming
bagong lipat na mga estudyante sa kanilang paaralan at isa na rito si Max na isang mayaman
at maraming alam at minsan ay may kakulitan din siya.
Jeny: Nakakapagod! Sino kaya yung nakabunggo ko kanina??? (kinakausap ang sarili)
Tagapagsalaysay: Nilapitan siya ni Ron at kinausap dahil nagtataka si Ron bakit hindi sila
kinausap ni Jeny.
Pumasok si Max.
Guro: Sige Max maraming salamat dun ka umupo sa bakanting upuan sa tabi ni Jeny.
Max: sige po maraming salamat.
Max: Oh miss!! Ikaw pala yan dito din pala ung punta mo nagsabay nalang sana tayo para di
na tayo nagkabunggo pa.
Jeny: Ah! Eh! Teka! Teka! Hindi po miss pangalan ko!! Ako po si Jeny..
Max: Eh gusto ko miss eh ahaha
Jeny Ewan ko sayo kagulo mo
Max: Bakit miss? Anu ba ginagawa ko?
Jeny: Sabi ko Jeny hindi miss
Max: Miss!
Jeny: Jeny!
Max: Sabi na ngang Miss!
Jeny: Sabi ko Jeny!
--
Len: Friend ! Tignan mo parang kilala na nila agad ung isat isa.
Ciara: Oo nga eh..!! kakainggit ahaha.
Diana: Pero teka tignan niyo si Ron mukhang malungkot.
Tagapagsalaysay: Habang tumatagal ang panahon mas lalong napapalapit si Jeny at Max sa
isat-isa habang malungkot pa din si Ron dahil hindi niya maamin kay Len na mahal niya ito.
Isang Araw habang pauwi si Jeny ay nakita niya si Max na naglalakad mag-isa.
Max: Oh may problema ba?? Napagod ka siguro dapat pala hindi na kita inaya sge umupo
ka muna.
Jeny: Ok lang ako (Biglang mapapaupo ulit)
Max: Sabi ko sayo eh pagod ka na
Umupo silang dalawa
Max: Oh sorry kung pinaghintay kita. Eto oh bulaklak. Oh bakit parang malungkot ka! May
problema ba?
(Sad Scene)
Tagapagsalaysay: Matapos ang matagal na paghahanap ni Jeny kay Max ay natagpuan niya
ito kung saan sila una nagkita. At duon namuo ang kanilang pagmamahalan sa isat-isa.
Simula nun naging masaya na ang dalawa na parang walang nangyari. Sabay nilang tinapos
ang sekundarya, kolehiyo at silay naging mag-asawa.
PLOP! CLICK!
(Dobu Kacchiri)
Mga Tauhan:
KOTO
KIKUICHI
ISANG NAGDARAAN
KOTO : Isa akong Koto na nakatira sa pook na ito. Ngayon tatawagin ko si Kikuichi para
konsultahin siya. Nariyan ba si Kikuichi?
KIKUICHI : Nariyan na!
KOTO : Nasaan ka?
KIKUICHI : Heto na ko.
KOTO : May mahalaga akong kailangan sa iyo. Dahil matagal na rin naman akong hindi
nakalalabas ng bahay, ang daming oras na nakabitin sa kamay ko. Gusto kong magbiyahe at
nang makapagmasid naman ng mga tanawin. Ano sa tingin mo?
KIKUICHI : Sa totoo lang, imumungkahi ko nga sana sa iyo, Ekselenteng ideya.
KOTO : Ano pang hinihintay natin kung ganoon. Maghanda ka ng sake.
KIKUICHI : Ngayon din. Nakahanda na ang bote ng sake.
KOTO : Umalis na tayo agad. Halika na!
KIKUICHI : Nakahanda na ako.
KOTO : Ano sa palagay mo? Nagtatawanan na siguro ang mga taong makita ang dalawang
paris natin na namamasyal at nagmamasid sa mga tanawin. Pero ang pagbibiyahe sa bagong
lugar ang nakapagpapagaan ng pakiramdam bukod pa sa kasayahang nalalasap mo.
KIKUICHI : Wala naman sa palagay kong mag-iisip na para tayong gago. Kaya, kapag
nararamdamang mong gusto mong magbiyahe, dapat lang na ilang ulit tayong magbiyahe.
Nakabubuti iyon sa inyo, Amo.
KOTO : Nasa labas na tayo ng nayon. Marahil nasa gitna tayo ng bukirin. Ang lungkot dito.
KIKUICHI : Nasa gitna nga tayo ng bukirin.
KOTO : Kapag nasa kapatagan ako, parang lumalawak ang aking puso at gumagaan ang
pakiramdam ko.
KIKUICHI : Gaya ng sabi mo, kasiya-siya ang magbiyahe.
KOTO : Makinig ka! Noon ko pa gustong sabihin sa iyo na hindi sa habambuhay ka na
lamang umaawit ng mga maiikling awit o bumibigkas ng mga kuwento. Bakit di mo
ensayuhin ang Labanan sa Heike, ang pamosong epiko?
KIKUICHI : Gusto ko nga sanang hingin ang tulong mo tungkol diyan. Masuwerte na lang at
ikaw mismo ang nagbukas tungkol diyan. Kung maituturo mo sa akin yan, tatanawin kong
malaking utang-na-loob.
KOTO : Ituturo ko kung ganoon. Wala rin lang tao sa paligid, bibigkasin ko sa iyo ang isang
berso.
KIKUICHI : Sadyang kay buti mo. Sige, makikinig ako.
KOTO : Umabot sa krisis ang labanan sa Ichi no Tani, at nauwi sa isang malaking giyera.
Natalo ang mga dakilang Hieke, at nagsisugod ang mga mandirigma ng Genjisilang sabik
sa kabantugan. Parang mga trigong nagbagsakan sa harap ng mga armas-pandigma.
Kalunus-lunos na pagdanak ng dug! Walang katapusang kaguluhan! Putol ang baba ng ilan,
at ang iba namay talampakan. Sa gitna ng nakakukuliling mga daing at pananangis, pilit
pinaglalapat ang kanilang mga sugatang talampakan sa duguang baba,ang sugatang baba sa
duguang talampakan. Ay, kahabag-habag na tanawin! Tatlo o apat na raang mga
mandirigma ang nagkalat sa kapatagan!
KIKUICHI : Kagila-gilalas palang talaga ang epikong yan. Nagagalak akong marinig.
KOTO : Halikat pumunta tayo doon sa malayu-layo pa. Sumunod ka sa kin!
KIKUICHI : Sige lang, sumusunod ako.
KOTO : Maraming bumibigkas ng Heike, pero wala akong alam na nakabibigkas ito nang
mainam. Kaya kailangang pag-aralan mo itong mabuti.
KIKUICHI : Iinsayuhin kong mabuti, at inaasahan kong tuturuan mo akong muli.
KOTO Sakalit maitalaga ako sa posisyon ng Kengyo, gagawin kitang isang Koto.
KIKUICHI : Napakabuti mo ngang talaga.
KOTO : Ano yon? Nakakarinig ako ng alon ng tubig. Siguroy malapit tayo sa dagat.
KIKUICHI : Oo nga, pakiramdam ko;y dagat nga yon.
KOTO : Kailangan nating tawirin ito. Anong dapat nating gawin?
KIKUICHI : Ano nga bang dapat nating gawin?
NAGDARAAN: (Sa mga manonood) Dito lang ako nakatira. Dahil may lalakarin ako sa
kabila ng bundok, kailangan kong magmadali. Ano itong nakikita ko? Dalawang bulag ang
nagbabalak lumusong sa dagat. Paano kaya nila magagawa yon? TitigiI muna ako rito at
panoorin sila pansumandali.
KOTO : Halika! Maghagis ka ng bato para matantiya natin ang lalim ng dagat.
KIKUICHI : Sige. Ayan, naghagis na ako. PLOP!
KOTO : Malalim doon.
KIKUICHI : Malalim na malalim doon.
KOTO : Subukan mo sa ibang direksiyon.
KIKUICHI : Sige. Ayan, naghagis ulit ako. CLICK!
KOTO : Mababaw doon.
KIKUICHI : Mukha ngang mababaw doon.
KOTO : Kung gayon, lumakad na tayo nang painut-inot. Halika na!
KIKUICHI : Pero amo, teka muna sandali.
KOTO : Bakit?
KIKUICHI : Bubuhatin ko na kayo sa likod ko.
KOTO : Naku, hindi na kailangan. Basta sumunod ka sa akin.
KIKUICHI : Pero kaya nga ako naririto para pagsilbihan kayo. Para na rin sa kabutihan ng
aking kaluluwa. Hayaan niyo ng buhatin ko kayo.
KOTO : Hindi, huwag na. Dahil hindi ka rin nakakakita, baka maaksidente pa tayo.
Maghawakan na lang tayo sa isat isa saka lumakad nang painut-inot.
KIKUICHI : Pero ito ang pagkakataon ko para makatulong sa inyo. Kailangang mabuhat ko
kayo sa aking likuran.
KOTO : O sige, sige. Dahil mapilit ka, papayag akong buhatin mo ako. Pero kailangang
maghanda na muna tayo. Ihanda mo na rin ang sarili mo.
KIKUICHI : Salamat, nakahanda na ako.
NAGDARAAN: Mautak ang mga bulag na yon. Sinusubukan nila ang lalim ng dagat sa
pamamagitan ng paghahagis ng bato. Masuwerte talaga akong aso. Ako ang magpapabuhat
patawid sa dagat. (Papatong siya sa likod ni KIKUICHI).
KIKUICHI : Humawak kayong mabuti. Ngayon sisimulan ko nang magpainut-inot sa dagat.
Sana naman hindi masyadong malalim. Ayan nakarating na ako sa kabila. Nagawa ko ito
nang walang kahirap-hirap, at natutuwa akot wala ring disgrasya.
NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Hindi ko inaasahan ang suwerteng ito. Tuwang-tuwa
ako.
KOTO : Ano Kikuichi? Nakahanda ka na ba? Walang sumasagot? Hindi ko ito maintindihan.
Ki-ku-i-chi! Na-sa-an ka?
KIKUICHI : Na-ri-to a-ko!
KOTO : Bakit di mo pa ako buhatin patawid?
KIKUICHI : Pero kabubuhat ko lang sa inyo.
KOTO : Kabubuhat lang sa akin? Pero naghahanda pa lang ako. Hindi mo pa ako nabubuhat.
Ang hayop na yon mag-isa palang tumawid.
KIKUICHI : (Magmamadaling tumawid sa pinaggalingan) Kailan kayo tumawid na muli rito
Amo?
KOTO : Kailan? Abat walanghiya tong taong ito. Umaayaw na yata. Madali kat buhatin mo
na ako agad.
KIKUICHI : Hindi ko maintindihan ito. Di bale, tatawid na lang uli ako. Kumapit na kayo sa
likod ko.
KOTO : Huwag kang magalaw.
KIKUICHI : Lalakad na ako nang painut-inot. Mukhang napakalalim dito.
KOTO : Basta mag-iingat ka at huwag kang masyadong magalaw.
KIKUICHI : Opo, opo. Ang lalim naman nito! Naku, tulungan ninyo ako, saklolo!
NAGDARAAN: Nakakaaliw pagmasdan ang kawawang mga bulag!
KOTO : Nakakapanggalit itong nangyayari sa atin. Basang-basa na ako. Kaya nga ba
tumanggi na akong pabuhat sa iyo noong una pa.
KIKUICHI : Ipagpaumanhin ninyo. Patutuyin ko kayo. Talaga namang nag-iingat ako, pero
natalisod ako. Patawarin ninyo ako.
KOTO : Nauunawaan kong aksidente ang nangyari, at wala tayong magagawa roon. May
nangyari ba sa sake?
KIKUICHI : Anong sabi nyo? Ah, ang bote ng sake. Heto, hindi nadisgrasya.
KOTO : Giniginaw na ko. Tagayan mo ako.
KIKUICHI : Sige po.
NAGDARAAN: Abat may isa pa pala akong suwerte. Akong iinom noon.
KIKUICHI : Nagtatagay na po ako. Glug, glug!
KOTO : Tama na yan. Mawawala rin ang ginaw ko pag nainom ko na ito.
KIKUICHI : Sigurado, Amo.
NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Ang sarap nito!
KOTO : Ano na, Kikuichi? Bakit di mo ako tinatagayan?
KIKUICHI : Pero katatagay ko lang pot binigay ko sa inyo.
KOTO : Iyon din ang akala ko, pero wala ni isang patak ang baso ko.
KIKUICHI : Talagang hindi ko maintindihan ito. Magtatagay uli ako Heto, pupunuin ko na
ang baso.
KOTO : Sige, bilisan mo.
KIKUICHI : Eto na. Glug, glug!
NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Abat may kasunod pa! Walang kasinsarap ang sakeng
ito!
KOTO : Tama na yan. Uminom ka rin nang kaunti.
KIKUICHI : Puwede po ba? Salamat sa kabaitan ninyo. Napakasarap ng sake, di po ba?
KOTO : O, bakit hindi mo pa ako tinatagayan?
KIKUICHI : Pero katatagay ko lamang po ng isang punung baso para sa inyo.
KOTO : Akala ko nga, pero ni isang patak, wala pa rin ang baso ko. Kamuhi-muhi kang
tarantado ka. Ni isang patak di mo man lang ako pinatikim, kasi sinosolo mong pag-inom.
KIKUICHI : Naku, hindi ganyang magsalita ang amo ko. Bakit ko naman sosolohin ito nang
hindi inuuna ang amo ko? Mali ang akusasyon ninyo sa akin. Nakadalawa na po kayong
tagay.
KOTO : Abat talaga bang ginagalit mo ko? Hindi ka lang gago, dinadaya mo ko at
pinalalabas na iniinom kong tinatagay mo nang di mo alam. Tagayan mo ako ulit.
KIKUICHI : Gusto ko po sana. Pero, ipagpaumanhin ninyo! Wala na pong natira.
KOTO : Ano? Ni isang patak wala nang natira?
NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Talagang nakakaaliw ito. Pag-aawayin ko sila. Bang!
Bangg!
KOTO : Aray,aray ko! Abat sobra na ito. Matapos mo akong agawan ng inumin, ngayon
naman may gana ka pang bugbugin ako.
KIKUICHI : Anong sabi ninyo? Bugbugin?
KOTO : Sinaktan mo na ako, ulol!
KIKUICHI : Itinatabi ko lang po ang bote ng sake. Ni hindi nakaturo sa direksiyon ninyo ang
mga kamay ko.
KOTO : A, hindi pala? At sino pang mananakit sa akin, aber? Sino, sabi?
KIKUICHI : Aray, aray ko po! Inaakusahan nyo na nga ako ng kung anu-anong hindi ko
naman ginagawa, ngayon naman sinasaktan nyo pa ako. Bakit binubugbog ninyo ang isang
walang kasalanang katulad ko?
KOTO : Abat ni hindi nga nakatutok sa iyo ang mga kamay ko.
KIKUICHI : Hindi nakatutok? Sinong nanakit sa akin? Magsalita kayo,sino pa?
KOTO : Aray, aray ko! Kikuichi, ano ba? Bakit mo ba ako sinasaktan?
KIKUICHI : Nasa binti ko ang mga kamay ko.
KOTO : Nasa binti mo? Kaninong mga kamay ang sumuntok sa akin?
KIKUICHI : Aray, tama na! Huwag ninyong abusuhin ang inosenteng tulad ko. Amo.
KOTO : Ano? Abusuhin?
KIKUICHI : Ano pa nga bang ginagawa ninyo?
KOTO : Ni hindi nga dumadapo ang mga kamay ko sa iyo.
KIKUICHI : Di dumadapo? Kung gayoy sinong nanununtok sa akin?
KOTO : Aray, ano ka ba?
KIKUICHI : Aray ko po, tama na!
NAGDARAAN: Nakakatuwa talaga ito. Paiikutin ko sila sa ibat ibang pakana. Pero, teka!
Abat tinutuluyan na nilang magsuntukan.Delikado pa ang manatili pa rito. Kailangang
makaalis na ako habang may araw pa.
KOTO : Nauubos nang pasensiya ko. Hindi kita patatakasin lintik ka!
KIKUICHI : Bakit ako sinasaktan?
SILANG DALAWA: A-a-ray.
KIKUICHI : Ikinahihiya ko kayo Amo. Hawak ko na kayo ngayon. Nagpapanggap lang pala
kayong mabait. Santo-santito!
KOTO : Huwag, sandali lang! Matapos mo akong bugbugin, tatakbuhan mo ako. Wala bang
ibang tao rito? Hulihin nyo siya, hulihin nyo! Huwag nyo siyang patatakasin!
KAPALARAN
TAUHAN: JHON AT SI ROU
JHON: HI !
ROU: HI...
JHON: KAMUSTA ANG UNANG ARAW MO DITO ?
ROU: AYOS LANG , SAYU?
JHON: AYOS LANG DIN.
SA ISANG MALL, HABANG BUMIBILI SI ROU SA ISANG RESTAURANT NKA SABAY NYA SI
JHON SA PILa.
Ren: Heto na naman ako. Hoy utang nyo bayaran nyo na!
Anna at Yoh: .
Ren: Hello! May kausap ba ako dito?
Anna at Yoh:.
Ren: Huh? Magsalita naman kayo. Tinatakot nyo naman ako eh.
Anna at Yoh: .
Ren: Yikes! Tatawag na ako ng albularyo! Baka sinapian na itong mga ito! (sabay takbo)
* Tumawag nga si Ren ng albularyo na nagmula pa sa mahiwang kabundukan ng Tralala. Ito
ang pinakamahusay na albularyo. Si Hao.*
Hao: (Tinitingnan ang mag-asawang hindi gumagalaw) Ngayon laman ako nakakakita ng
ganito!
Tamao: (habang nakiki-usyoso) Naku kawawa naman sila!
Horo-horo: (nakiki-usyoso rin) Oo nga.
Hao: hmmm. Sa tingin ko kailangan nilang sumailalim sa isang banal na seremonya. (daan
si Manta)
Hoy bata, pwede mo bang kunin ang mga ito para sa akin? (Sabay abot sa isang listahan kay
Manta).
Manta: Ha, o sige po. (sabay alis)
Hao: Ang kailangan lang nating gawin ay maghintay para sa pagbabalik ng batang iyon.
* Makalipas ang ilang saglit, bumalik si Manta bitbit ang isang malaking supot.*
Manta: Tatang, eto na po yung pinapakakuha ninyo.
Hao: (nagalit) Hoy! Wag na wag mo akong tatawaging tatang! For your information, 18 pa
lang ako. Pero kung pagbabasehan mo yung past life ko, pwede mo na akong tawaging
tatang.
Manata: Eh di ganun din po iyon! Sige po! Babay! (takbo)
Hao: Diyaskeng baya yun ah. Bueno, magagawa ko na ang seremonya. Ah! Eto na ang mga
kailangan ko: Dragon Katol! Siguradong lamok ay tepok! (May American accent) (sinindihan
ang katol) At eto rin ang tawas! Uy ang dami pa! Teka nga, makadekwat nga ng kaunti para
may magamit ako.
Horo-horo: Haha! Tawas lang pala ginagamit mo eh!
Hao: (napahiya) Eh bakit ikaw, anong gamit mo?
Horo-horo: Ako Secret Platinum! Spring Breeze yung scent!
Hao: (natawa) E pambabae yun diba?
Tamao: Oo nga kasi akin talaga yun! Gumagamit siya pag hindi ako nakatingin kaya pala
ang bilis maubos!
Hao: Teka nga. Sisimulan ko na nga itong seremonya! Tama na ang diskusyong tungkol sa
deodorant!
* Nagsagawa ng seremonya si Hao. Ang dami dami na niyang nasindihang katol kaya ang
baho.*
* Wala pa ring nangyari dahil hindi naman sinapian sina Yoh at Anna. Wala nang maisip si
Hao kaya ito na lang ang huli niyang maisip.*
Hao: Eto na lang ang alam kong solusyon. Ang paggamit sa mahiwagang baston na mula sa
mahiwagang bundok. Ang bundok ng Smokey Mountain!
Tamao at Horo-horo: Yuck!
Hao: He! Manahimik kayo! Eto na! Idinadalangin ko sa mga banal na espiritu ng Smokey
mountain na iligtas ninyo itong mag-asawang ito mula sa mga masasamang kaluluwa!
Yaaah! (hahampasin ng baston si Anna kaso biglang tumayo at nagsalita si Anna)
Anna: (inis) Hoy ginoong albularyo, wag mo nga akong mahampas-hampas! Baka sampalin
kita dyan!
Wala akong balak magkaroon ng pasa noh! Paano na ang aking flawless skin kung
magkakapasa ako?
Horo-horo at Tamao: Yehey! Ang galing-galing ni ginoong albularyo! Napagaling niya si
Anna!
Yoh: Yehey rin kasi si Anna ang unang nagsalita! Siya ang maghuhugas ng plato simula
ngayon! Yehey! (nagpagulong-gulong sa lupa)
Anna: Kainis kasi kayo! Napaka pakialamero talaga ninyo!
Horo-horo, Hao at Tamao: Huh?
Anna: Nagpupustahan lang kami ni Yoh na kung sinong unang magsalita o gumalaw ang
maghuhugas lagi ng plato! Bwisit talaga kayo!
Horo-horo: Pasensya na po madam Anna.
Anna: Hmmph!
Narrator: At iyan ang dahilan kung bakit babae ang naghuhugas ng Pinggan!
Tapos na po
Ang Matapat na Bata ay Pinagpapala
Mga Tauhan:
Mang Teban (Yuri Booc)
Aling Pepay(Lorraine Vito)
Jun-jun(Third Vista)
Ray-ray(Lindsay Esparrago)
Tagapagsalaysay/Teacher(Reinaflor Talampas)
Kinabukasan, sa classroom..
JUN-JUN: Teacher, sobra po ang sukli na naibigay sa akin sa canteen kahapon. Eto po
ang P 20.00 na sobra.
TEACHER: Ang husay! Ang bait na bata! Salamat!
Tandaan natin, sa lahat ng bagay, dapat tayo ay laging matapatHonesty is the best
policy sabi nga sa wikang Ingles.
Tagapagsalaysay: Ang pamilya Ledesma ay katulad lang ng iba ngunit para sa kanilang
mga kapitbahay sila na ata ang pinakamabait na pamilya sa barangay.
Ate: Yaya, pwede ba to kainin? Nagugutom na ako eh.
Kasambahay: Nako para sa kapatid mo yan! Kakain na naman ng hapunan eh. Sandali
nalang.
May tumama sa bubong
Bunso: Ate narinig mo yung tumama sa bubong?
Anak: Wag kang magaalala baka kahoy lang yan na nahulog dahil sa lakas ng hangin.
May kakatok sa pintuan
Lola: Ate may kumakatok ata. Baka tungkol sa bagay na bumagsak sa bubong natin iyan.
Paki tignan mo naman kung sino.
Pagbubuksan ng pintuan
Ate: Ano po yun?
Kapitbahay: Nako pasensya na po. Yung anak ko po kasi naglalaro ng bato ngayon dahil sa
lakas ng hangin tumama siya sa bubong ninyo. Di ko po alam kung may nasira.
Ate: Manang, sila mama nalang po ang kausapin ninyo diyan. Mamayang gabi ho sila
makakauwi.
Kapitbahay: Sige babalik nalang ako mamaya. Paki sabi nalang ang tungkol dito sa kanila.
Salamat.
Sa loob ng bahay
Lolo: Sino daw iyon, apo?
Ate: Tama po si lola, tungkol nga sa pagtama sa bubong ito. Babalik nalang daw siya pag
dumating na sila mama.
Bunso nakadungaw sa bintana
Bunso: Nandiyan na sila mama!
Papasok ang magulang
Tatay: Mga anak nandito na kami. Tamang-tama lang ang dating namin para sa hapunan.
Papasok sa loob
Nanay: Oh siya kain na tayo
May kakatok
Bunso: Ako na!
Bubuksan ang pintuan
Bunso: Sino po sila?
Kapitbahay (kasama ang kanyang anak): Ako po ang kapitbahay ninyo. Natamaan po ng
anak ko ang inyong bububong dahil sa kakulitan niya. Pwede bang makausap ang magulang
mo tungkol dito?
Bunso: Sige po. Pasok po.
Sa kainan
Nanay: Ukol saan po ang gusto inyong sabihin?
Kapitbahay: Tungkol po sa bububong ninyo, natamaan po ng anak ko, di ko pa nakikita
kung may nasira man o nabutas ngunit babayaran ko naman ito.
Tatay: Nasabi nga po ng aking anak yan sakin. Tinignan ko po at nasira ang bububong
ngunit di naman ito nabutas dahil sa hindi naman malakas ang tama.
Kapitbahay: Nako pasensya na po. Magkano po ba ang kailangan kong bayaran?
Nanay: Hindi na po kailangan. Hindi naman malakas ang tama kayat hindi naman kami
mapapamahal. Sainyo na lamang ang para sa pampagawa niyo sana ng aming bubong.
Kapitbahay: Nako marami pong salamat. Sa totoo nga po kailangan ko ang perang para sa
pagpagawa ng inyong bubong. Anak humingi ka ng tawad at magpasalamat.
Anak ng kapitbahay: Maraming salamat po. Pasensya na sa nagawa ko.
Lolo: Okay lang iyon iho. Basta wag paglalaruan ang mga bato sa susunod ha.
Anak ng kapitbahay nods
Tagapagsalaysay: Kitang kita nga naman ang pagiging mabait sa kapwa ng pamilyang
Ladesma kayat sila ang tinatawag na pinakamabait na kapitbahay sa barangay.