EDITORIAL
EDITORIAL
EDITORIAL
It’s a story heard too often in this country: a person apprehended by the police
is shot dead ostensibly after scuffling with the arresting officer for the cop’s
gun. It’s in the same thread as the suspect who is shot dead by police
purportedly while trying to escape.
In some cases, the fatality is alleged to have scuffled with police while still in
handcuffs. This was not the case with Edwin Arnigo, who was shot dead by
policemen who raided an illegal cockfighting site or tupada in Valenzuela City
last Sunday. Grieving relatives said the 18-year-old was within the autism
spectrum, was afraid of police, and had simply gone out of their house to buy
ice candy. Citing witnesses’ accounts, the relatives said Arnigo was not even
inside the tupada when one of the policemen locked him in an embrace and
shot him. Arnigo was simply brought to the cockfighting site, the relatives said.
He was later taken to a hospital where he was pronounced dead of a gunshot
that pierced his heart and lungs. His shirt was taken off.
Four members of the Valenzuela police raiding team have been relieved
pending investigation: M/Sgt. Christopher Salcedo who fired the fatal shot as
well as Corporals Kenneth Pacheco, Rex Paredes and Rodel Villar. Upon the
request of Arnigo’s relatives, the National Bureau of Investigation has taken
the lead role in the probe. The police chief of Valenzuela, Col. Ramchrisen
Haveria, maintained that based on their investigation, the fatal shooting was
an accident. Haveria should also face NBI probers.
The raiding team reported that three persons including Arnigo were
apprehended during the raid in Barangay Lingunan. Bet money amounting to
P1,340 and three fighting cocks were confiscated. The items seized indicate
the micro scale of the illegal cockfight, for which the police raiders found it
necessary to use lethal force against an alleged participant.
Viral social media posts indicate the sale of vaccines or vaccination slots in at
least two cities in Metro Manila, epicenter of the COVID pandemic in the
country. The price reportedly ranges from P8,000 to P15,000 for each
preferred dose.
The Philippine National Police has said it has a person of interest in the case,
who claimed to have contacts in several local government units. Malacañang
has vowed that those behind the sale would face the full force of the law, even
as it reminded LGUs to take charge of stopping the illegal deals.
LGUs, however, have different rules in their vaccination programs. Not all
LGUs prohibit walk-ins, even after the crowding at several inoculation areas
that announced the availability of the vaccine made by Pfizer/BioNTech.
Some LGUs allow walk-ins for substitution, to ensure that all jabs readied for
the day are used up.
Kung ganito ang katwiran, wala nang aasahan ang mga mangingisdang Pinoy
na makakuha ng biyaya sa sariling teritoryo. Kawawa tayo.
LATHALAIN
Ang pagiging isang guro ay hindi ganoon kadali gaya ng iniisip ng karamihan. Sa likod ng bawat
pisara ay mga patak ng pawis at luha ang makikita. Sa bawat aklat na binubuklat ay may nakatagong
pait at saya na pinagdadaanan. Sa bawat leksyon na itinuturo nakatago ang isang malaking butil ng
karunungan. Sila na may mabababang sahod ngunit matataas na prinsipyo sa buhay. Sila na walang
hinangad kundi ang matuto ang mga mag-aaral. Sila na itinuturing na pangalawang magulang sa
paaralan. Sila na bumubuo ng ating pagkatao bilang mga mag-aaral. Sila na ang binubuno ay araw
at gabi maihanda lang ang aralin. Sila na itinuturing na bayani ng bayan. Sila ang mga natatanging
GURO na handing maglikod para sa bayan.
Ang isang guro ay kilala sa pagtuturo, pagbibigay ng takdang-aralin, pagsusulit at proyekto sa mga
mag-aaral. Higit pa riyan, sila ang nagbibigay inspirasyon upang ipagpatuloy natin ang ating pag-
aaral. Sila ang nagbibigay ng bawat kuntil-butil ng kaalaman na ating kalasag sa pagharap sa hamon
ng buhay. Higit pa sa mga prokekto at aralin na kanilang ibinibigay, sila ang nagbibigay daan upang
ating makamit ang minimithing tagumpay. Ang ating mga guro ang isa sa mga pundasyon ng ating
pagkatao. Sila ang humuhubog sa ating personalidad.
Ganundin, sila ang maituturing nating kaibigan, kabarkada at kapamilya sa eskwela. Sa mga
panahong tayo ay nangangailangan ng kalinga, nariyan sila handang makinig sa ating mga
problema. Sa mga panahong ikaw ay gulong-gulo, sila ay nariyan handang samahan ka tungo sa
landas na tuwid. Sa mga oras na kailangan mo ng kakwetuhan, sila ay lagging nariyan para sa’yo.
Sila rin ang lumilinang sa ating mga talento at kakayahan. Sila ang patuloy na nagsasabing, “Kaya Mo
‘Yan!” sa anumang laban. Sila ang nagtutulak sa’yo upang abutin ang tugatog ng tagumpay.
Hindi kailanman matatawaran ang kontribusyon ng mga guro sa ating lipunan. Haligi sila ng ating
komunidad. Naisip mo ba kung paano ang buhay kung wala ang mga dakilang guro? Maaring masabi
ninyong, kung wala ang mga guro, wala rin ang mga doktor, nars, abugado, enhinyero, pulis,
sundalo at iba pa.
Higit sa lahat, ang mga guro ang naghuhulma sa bawat indibidwal para maging edukado at kapaki-
pakinabang na mamamayan. Kay’t ganoon na lamang ang pagpupugay sa bawat guro na walang
sawang naglilikod sa bayan para imulat ang mga mag-aaral sa kung ano ang tama at tuwid na
landas tungo sa kaunlaran ng ating bansa.
Bilang isang pagpupugay at pagbibigay-halaga sa kanilang kontribusyon, ipinagdiriwang natin ang
Araw ng mga Guro tuwing buwan ng Setyembre. Ito ay isang pagkilala sa kanilang kontribusyon na
malinang, magbigay kaalaman, at humubog sa isang mag-aaral. Isang mabigat na hamon ang pasan
lagi na mga guro sa tuwing sila ay papasok sa silid-aralan. Kaakibat ng hamon na ito ang hirap at
pagod ng mga guro na maturuan ng maayos at tama ang kanilang mga estudyante. Napakalaking
papel ang kanilang hawak.
Ngunit, taas-noo akong nagpupugay sa aking mga guro na hindi kailanman sumuko sa laban ng
buhay maturuan lamang ang mga mag-aaral na uhaw sa kaalaman. Saludo ako sa mga guro na kahit
sa baba ng sahod na kanilang nakukuha sa gobyero ay nananatili silang matatag na guro. Lubos
akong nagpupugay sa mga gurong kahit harangan man ng kalbaryo sa buhay ay handa pa ring
magbahagi ng nalalaman. Nagpapasalamat ako sa mga guro na nagbabahagi ng kani-kanilang
buhay bilang daan sa pagbibigay inspirasyon sa mga mag-aaral.
Ang salitang salamat ay hindi sapat upang masuklian naming ang lahat ng inyong pagpapagod,
pagsasakrispisyo, at paghihirap maibigay lang ang mga butil ng karunungan. Kaya’t marapat lamang
na magbigay-pugay sa mga totoong bayani ng lipunan na walang hinihinging kapalit sa kanilang
tunay na serbisyo para sa bayan.
Muli, salamat mam at sir. Ang inyong dedikasyon at pagpupunyagi matuto lang kami ay walang
kapantay.
Itinuturing natin na bayani ang isang tao tuwing naiaalay nito ang kanyang buhay para sa ikauunlad, para sa
pagbabago ng bayan. Karamihan sa mga kilalang bayani na inalala natin tuwing ika-26 ng Agosto ay namatay
noong panahon ng pananakop ng mga Kastila, Amerikano at Hapon. Kabilang na rito ang pambansang bayani
na si Jose Rizal, si Andres Bonifacio, si Melchora Aquino, si Apolinario Mabini, si Gregorio del Pilar at lahat ng
nakipaglaban sa katiwalian at kasakiman noong unang panahon. Tulad ng aking nabanggit, yumao na ang
mga taong kinikilala nating bayani ngunit hindi lamang ang mga yumao ang pwede nating ituring na bayani;
mayroong mga buhay na bayani.
Sino na nga ba ang mga taong maaari nating ituring na buhay na bayani? Ang mga taong pinaka-nakikita ko
bilang bayani ay ang mga taong nagtuturo sa atin – ang ating mga GURO.
Ang ating mga guro ay ang ating ikalawang magulang. Sila ang mga taong nagaalay ng kanilang oras upang
ibahagi ang kanilang kaalaman. Hindi nila inaalintana ang hirap ng pagtuturo, ang pagod sa pagtayo, ang sakit
sa lalamunan upang tayo ay maturuan at mabigyan ng sapat na kaalaman para sa ating hinaharap. Sila ang
mga taong pilit na hinahabaan ang pasensya at patuloy na umuunawa sa ating mga kakulangan bilang isang
mag-aaral. Sinasabi ng ilang tao na ang pagiging isang guro ay isang bokasyon, kung saan ika’y maglilingkod
ng buong puso at hindi inaalintana kung mataas o mababa man ang sahod.
Ang mga guro natin ang mga taong nagpupuyat sa gabi upang maghanda ng aralin para sa susunod na araw.
Sila ang mga taong nagpupuyat upang matapos mabigyan ng grado ang pagsusulit ng kanilang mga
estudyante. Sila ang mga taong puyat sa gabi ngunit buong lakas, buong puso at buong siglang pumapasok at
hinaharap ang kanilang mga estudyante. Sila ang mga taong hindi natin napapansin, dahil iniisip natin na sila
ang nagpapahirap sa atin gawa ng mga binibigay nilang mga proyekto, takdang aralin at pagsusulit. Sila ay ilan
sa mga taong lubos na nagmamalasakit sa atin. Sila ang mga taong naniniwala sa ating kakayahan. Sila ang
mga taong nagtitiwala sa atin. Wala dahilan upang hindi natin sila ituring na isang bayani. Buong puso silang
naglilingkod sa ating mga kabataan dahil naniniwala sila na tayo ang pag-asa ng bayan; naglilingkod sila para
sa ikabubuti ng bayan. Dakila sila. Dakila ang napiling daan ng mga gurong ito.
Saludo ako sa mga nabubuhay na bayani! Mabuhay at nawa’y marami pa ang maging katulad ninyo!